_ngayon
^

PSN Showbiz

Very DOM: Young actor, binabayaran ang oras ng young actress na dyowa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Matagal ding nagpahinga si Bianca King pagkatapos ng Showbiz Konek na Konek at ng sitcom nila ni Derek Ramsay na Mac n Chiz.

Naging abala ang magandang aktres sa pagpapatakbo ng restaurant nilang Runners Kitchen.

Ngayon ay nagbabalik siya sa Wattpad Presents ng TV5 at Viva Communications, Inc. na papasok na sa panibagong season.

Nagpapasalamat siya at bumalik na siya sa pag-arte, pero ang gusto raw sana niya ay makagawa siya ng isang soap na makakabalik siya sa pag-arte at drama.

“Gusto ko sana umarte sa TV. Kasi matagal na akong nakapagpahinga sa soap.

“Ngayong kasi naka-recover na ako, kaya ready na ako ulit. Gusto ko na rin ang comedy and hosting, pero nami-miss ko na rin kasi ang mag-acting,” pahayag nito.

Wala raw nagma-manage sa kanya, kaya gusto na rin sanang iparating ni Bianca sa mga network na sana mabigyan siya uli ng chance na makapag-soap kagaya ng mga ginagawa niyang drama series sa GMA 7.

Bida si Bianca sa isang episode ng Wattpad Presents na My Soulmate is from Another Planet.

Pero ang mauuna munang mapapanood simula sa Sabado ay ang episode nina Ella Cruz at Akihiro Blanco na Avah Maldita.

PAK: Mala-DOM pala ang drama ng young actor na in love na in love sa girlfriend niyang baguhang artista.

Bilang isang baguhan, may mga audition at maliliit na event na kailangang daluhan ng baguhang aktres. Pero ayaw ito ng young actor dahil ang gusto niya ay kasama niya lang palagi ang girl. Ayaw niyang palabasin at babayaran na lang daw niya kung magkano ang kikitain ng girlfriend.

Nu’ng una ay pinagbibigyan pa siya ng girl, pero ngayon ay na-realize niyang hindi uusad ang career niya kung lagi na lang siyang nakakabit sa boyfriend na young actor at susundin na lang ang kagustuhan nito.

Kaya nag-decide ang baguhang aktres na makipaghiwalay. Sa ngayon ay hindi pa rin matanggap ng young actor ang pakikipag-break ng akres sa kanya. Pero sa huling interview sa kanya, may kiyeme-kiyeme siyang balak ligawan ang leading lady niya, pero sa totoo lang, sinusuyo nito ang girlfriend na huwag ituloy ang break-up.

BOOM: Hanggang ngayon, wala pang iniri-release na official box-office results sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

May inilabas ang isang blog na pinik-ap ng mga taga My Bebe Love at ng ilang taga-Eat Bulaga.

Ayon sa lumabas na report, umabot ng mahigit 1 bilyon ang kinita ng MMFF mula sa walong pelikulang entries.

Ayon pa rito, sa kinita ng MMFF mula December 25 hanggang January 25, nanguna ang My Bebe Love na kumita ng 700 million pesos, sumunod ang Beauty and The Bestie na P540-M, at pumangatlo ang The Haunted Mansion na P240-M at P210-M naman daw ang sa #WalangForever.

Taliwas ito sa inilabas ng Star Cinema na ang Bestie ang number one.

Wala pang makapagsabi kung may ilalabas ba talaga ang MMDA na official box-office results para sa MMFF, at kung ano sa My Bebe Love at Beauty and The Bestie ang number one sa takilya.

AKIHIRO BLANCO ALIGN ANG BEAUTY AND THE BESTIE LEFT MY BEBE LOVE PERO QUOT STRONG WALA WATTPAD PRESENTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with