Kasalang MJ at Oscar magiging affair ng mga taga-Kapuso at Kapatid!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

Kung pribado ang kasalan sa pagitan nina Vic Sotto at Pauleen Luna on Saturday, bukas naman ang information sa kasal between TV5’s entertainment correspondent na si MJ Romualdez Marfori sa TV news correspondent na si Oscar Oida na gaganapin sa San Agustin Church in Intramuros, Manila sa ganap na ika-2:30 ng hapon na ang cocktails at reception ay gaganapin sa Palacio de Maynila sa Malate, Manila.

Thirteen pairs ang mga tatayong principal sponsors sa kasal nina MJ at Oscar at kabilang dito sina Atty. Felipe Gozon at Carmela “Mel” Tiangco, Manuel V. Pangilinan at Luisita “Luch” Cruz-Valdes, Sen. Ferdinand Marcos, Jr. at Wilma Galvante, Mayor Alfred Romualdez at Grace de la Pena-Reyes, Emmanuel C. Lorenzana at Victoria “Vicky” Morales-Reyno, Miguel “Mike” Enriquez at Jessica Soho, Atty. Francis Tolentino and Marissa Flores, Arnold Clavio and Dr. Marijean M. Marquez, Atty. Ferdinand Topacio and Lolita Solis, Howie Severino and Charesse Ann Tinio, Lhar Santiago and Councilor Cristina Gonzales, Tomas Meere Castillo and Michelle Seva at sina Dr. Rey Farne at Herminia Marfori-Farne.

Si Oscar ay resident news reporter ng GMA habang si MJ naman ay in-house entertainment correspondent ng TV5.

To MJ and Oscar, our best wishes and congratulations!

Claudine sunud-sunod na ang positive vibes

Proud parents ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino na kapwa matalino sa school.

Kahit hiwalay na sina Raymart at Claudine, ipinakikita pa rin nila sa dalawang bata ang kanilang role bilang mga magulang.

Although hindi umaasang muling magkakabalikan, masaya pareho ngayon ang dating mag-asawa sa kanilang set-up at ito’y tanggap na rin ng kanilang dalawang anak na nasa magkahiwalay na bahay nakatira ang kanilang parents.

Kung dati-rati’y persistent si Claudine na annulment ng kasal nila ni Raymart, ngayon ay naka-hold ito lalupa’t wala pa namang bagong karelasyon ang dating mag-asawa.

Dahil sa pagkakaroon ng peace of mind ngayon ni Claudine, unti-unti na ring bumabalik ang dating luster na nawala sa kanya noong nasa kasagsagan sila ng away (sa korte at sa media) ng kanyang dating mister at mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.

Ngayon lamang siguro na-realize ni Claudine na kapag may peace of mind, magaan ang kanyang pakiramdam.

Pagkatapos maipalabas ang kanyang comeback mo­vie na Etiquette for Mistresses kung saan niya nakasama sina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu, balik din siya sa teleserye sa pamamagitan ng Bakit Manipis ang Ulap? na tinatampukan nila nina Cesar Montano at Diether Ocampo mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at palabas sa TV5 in cooperation with Viva TV.

ACIRC ANG BAKIT MANIPIS CESAR MONTANO CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO DIETHER OCAMPO DR. MARIJEAN M DR. REY FARNE EMMANUEL C FELIPE GOZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with