Love is lovelier the second time around hindi umepekto kina Angel at Luis!
Love is lovelier the second time around hindi umepekto kina Angel at Luis!
(Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

SEEN: In denial ang fans nina Luis Manzano at Angel Locsin dahil hindi nila matanggap na hiwalay na ang dalawa. Hindi nagkatotoo sa love story nina Luis at Angel ang kasabihan na love is lovelier the second time around.

SCENE: Makakatulong sa Pilipinas Got Talent ang break up issue nina Angel Locsin at Luis Manzano dahil inaabangan ang episode ng talent show ng ABS-CBN sa darating na Sabado. Host ng PGT si Luis at isa sa mga hurado si Angel.

SEEN: Naging fans ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga host ng It’s Showtime sa guesting niya kahapon. Tiniyak ng It’s Showtime hosts na may group picture sila na kasama si Pia.

SCENE: Mga supporting role ang ibinigay kina Pia Wurtzbach at Megan Young sa mga programa ng ABS-CBN noong hindi pa sila nananalo ng mga international beauty title. #Bilog­AngMundo.

SEEN: Magkasama sa That’s My Amboy si Donita Rose at si Kiko Estrada, ang panganay na anak ng kanyang ex-boyfriend na si Gary Estrada. Sinuway noon ni Donita ang kanyang mga magulang dahil sa sobrang pagmamahal kay Gary at may sikreto ang dalawa na habambuhay nila na itatago.

SCENE: Early birthday gift kay Cristine Reyes ang pagpapakasal nila ni Ali Kathibi. Turning 27 years-old si Cristine sa Feb­ruary 5.

ACIRC ALI KATHIBI ANG ANGEL LOCSIN CRISTINE REYES DONITA ROSE GARY ESTRADA KIKO ESTRADA LUIS MANZANO QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with