^

PSN Showbiz

Pangako nina Daniel at Kathryn sa isa’t isa, hanggang saan kayang panindigan?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang binitiwang pangako ng pag-ibig at paghihiganti ang pilit na papanindigan ng mga karakter sa top-rating teleseryeng Pangako Sa ‘Yo sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong Pebrero.

Sa huling tatlong linggo ng serye, nasaksihan na ang bagsik ng kasamaan ni Claudia (Angelica Panganiban) matapos niyang patayin si David (Diego Loyzaga), na siya namang humantong sa pagluluksa nina Amor (Jodi Sta. Maria) at Yna (Kathryn Bernardo).

Sa unti-unting pagtatagumpay ni Claudia sa kanyang mga plano, wala nang makapipigil pa sa kanyang pahirapan si Amor at itago sa kanila ni Eduardo (Ian Veneracion) ang katotohanang si Yna ang anak nilang si Maria Amor.

Sa kabila ng kanilang pagdadalamhati, isang panibagong pagsubok ang magkasamang haharapin nina Yna at Angelo (Daniel Padilla) lalo na ngayong sila ang sisisihin sa umano’y pagpapakamatay ni David.

Patuloy kayang ipaglaban nina Yna at Angelo ang kanilang pag-iibigan sa gitna ng panghuhusga sa kanila? Hanggang saan ang kayang gawin ni Claudia para lamang magdusa si Amor?

Alin sa mga binitiwang pangakong ito ang mapapanindigan hanggang sa katapusan, at alin ang mananatiling salita lamang?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELO

CLAUDIA

DANIEL PADILLA

DIEGO LOYZAGA

IAN VENERACION

JODI STA

PANGAKO SA

YNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with