Nalungkot dahil iiwan na ang pamilya, Pauleen humagulgol nang mag-impake ng mga gamit
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

Tiyan na lumulubo ‘di raw halata, Julia bumalik ng ‘Pinas, binisita si Ciara

PIK: tinatapos na nina Aljur Abrenica ang pelikula niyang Hermano Puli kasama sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, at mga kapatid niyang sina Vin at Allen Abrenica.

Apat na araw matatapos na raw sila at tuwang-tuwa si Aljur dahil talagang nagpapatalbugan daw ang mga kapatid niyang si Vin at Allen.

Natutuwa ang Kapuso actor dahil may fans na rin daw ang dalawa na nagbabantay sa kanila sa shooting.

Sabi naman ni Aljur, isa sa dahilan kung bakit ginawa niya ang Hermano Puli, ang dalawa niyang kapatid na nabigyan ng magandang role sa naturang project.

PAK: “Crayola ako,” text sa amin ni Pauleen Luna nang kinumusta namin ang pagliligpit niya ng gamit para sa paglilipat niya sa bagong bahay nila ni Vic Sotto.

Nag-post ito kamakalawa ng gabi ng kuha niya sa mga karton-karton na mga gamit na iuuwi niya.

Aniya; “So…I’m officially packing my stuff now. Never thought it would be bittersweet to leave our home.”

Tinanong namin si Pauleen kung iyak nang iyak ba ang Mommy niya habang tinutulungang nagliligpit ito. Siya raw ang mas bongga sa pag-iyak dahil nalulungkot pa rin naman daw siya na iwan ang pamilya niya.

BOOM: Bumalik si Julia Clarete ng bansa dahil may show daw ito sa 12 Monkeys kagabi.

Para mapasinungalingan ang pagkasangkot ng Eat Bulaga Dabarkads sa hiwalayan nina Ciara Sotto at Jojo Oconer, dinalaw ni Julia si Ciara na ipinost pa nga ng huli.

Nagpasabi si Julia na hindi siya makakadalo sa kasalang Vic at Pauleen dahil kailangang makabalik din siya sa Indonesia pagkatapos ng natanguang commitment.

Hindi nasagot ni Julia ang isyung nagdadalangtao ito. Hindi pa naman daw kasi halata ang tiyan nito.

ACIRC ALJUR ALJUR ABRENICA ALLEN ABRENICA ANG CIARA CIARA SOTTO HERMANO PULI JULIA NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with