Marian balik na sa pagiging judge
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

Bumalik na si Rich Ilustre bilang director ng Sunday PinaSaya at ang sabi, alternate sila ni Louie Ignacio sa pagdidirehe ng controversial Sunday show na umeere sa GMA 7, pero co-produced ng APT Entertainment at ng network.

Ang napansin namin, naka-private pa rin ang Instagram (IG) ni direk Rich at deleted ang nauna niyang posts. Wala na rin siyang Twitter account na okay naman para iwas bash.

Pagkatapos ni direk Rich, si Marian Ri­vera na ang sunod na babalik sa Sunday PinaSaya at ang dinig namin, sa February 21 na ang balik ng aktres kaya may Judge MD segment na uli.

Samantala, tama ba ang tsikang dumating na sa bansa ang ama ni Ma­rian para sa binyag ni Baby Z? Sa first week ng February na raw ang binyag ni Baby Z.

GF ni Derek, may anak sa mister ni Roxanne!

Hindi naman pala itinatago ni Roxanne Guinoo na may anak ang mister nito sa girlfriend ngayon ni Derek Ramsay. May pictures ang anak ng GF ni Derek sa IG ni Roxanne, kasama ang mga anak ng aktres pati parents ng mister nito.

Kaya nadiskubre ng netizens na ang husband ni Roxanne ang ama ng anak ng GF ni Derek. In fairness, belong na belong ang anak ng GF ni Derek kina Roxanne at sa mga kapatid nito. Para silang buong pamilya dahil pati sa school events ay isinasama ang anak ng GF ni Derek.

Magkapatid na Ehra at Michelle nag-uunahan pakasal

Parehong naka-private ang IG accounts ng engaged couple na sina Tom Yeung at Ehra Madrigal, kaya walang makuhang follow-up sa ibinalita ni Tim Yap sa IG na enagaged na ang dalawa.

Kundi pa ipinost ni Tim ang picture nina Ehra at fiancé nito, hindi malalamang break na sina Ehra at Myke Salomon after 10 years of relationship. At least, masaya na si Ehra at magiging misis na.

Nabalita ring mag-aasawa na ang sister ni Ehra na si Michelle Madrigal, sino kaya sa magkapatid ang unang ikakasal?

Bret ayaw lubayan ng trabaho dahil palaging nakangiti

Si Bret Jackson ang male counterpart ni Shy Carlos sa Viva talents na sobrang busy sa mara­ming shows. Tuwing presscon na lang ng Viva Com­munications para sa TV5 shows, present si Bret at pati nga sa launching ng Sari Sari Channel, dahil may show din siya rito na mapapanood sa Cignal TV.

Sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?, nakausap namin si Bret na kinagigiliwan ng press dahil nambabati at laging naka-smile. Ang maganda pa, kahit saan namin makita si Bret, laging naka-smile at lalapit para personal na bumati.

Sunud-sunod ang projects ni Bret sa TV at movies at natawa sa biro namin na mabilis siyang yayaman sa rami ng trabaho. Ngayong January pa nga lang, dala­wa na ang TV shows niya, ang Bakit Manipis Ang Ulap? at ang Class 3-C Has A Secret sa Sari-Sari Channel na napapanod every Saturday, 11 p.m.

Kasama siya sa bagong movie nina James Reid at Nadine Lustre sa Viva Films bilang third wheel ng magka-love team. Nasa cast din siya ng Cinemalaya entry na Mercury Rising bilang leading man ni Pokwang at may iba pa siyang naka-line up na projects for this year.

Mark at Winwyn may dapat nang aminin?!

Ipinangako rati nina Mark Herras at Winwyn Marquez na kapag naging sila na, hindi nila ito ililihim. Subukan nga na­ming tanungin ang dalawa ‘pag nagkaroon ng set visit sa Little Nanay kung sila na?

Nahahalata kasi ng followers ng dalawa na nag-iba ang tono nila ‘pag nagpu-post ng pictures. Napapansin na mas madalas mag-post ng picture ni Winwyn si Mark.

Hindi ito mahahalata sa Little Nanay dahil hindi sila magkatambal at minimal ang mga eksenang magkasama.

ACIRC ANAK ANG BABY Z BAKIT MANIPIS ANG ULAP C HAS A SECRET DEREK EHRA LITTLE NANAY ROXANNE STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with