Angelica ‘ini-stalk’ na uli si Derek!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

Dahil sa balitang break na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban may fans na nagwi-wish na magkabalikan ang dalaga at si Derek Ramsay. Natuwa ang fans nang malamang pina-follow na uli ng aktres si Derek sa Instagram (IG) at binati pa nito ang aktor ng Happy Birthday nu’ng nakaraan nitong kaarawan.

Kaya lang, in a relationship si Derek ngayon at inamin niya ito sa presscon ng Love Is Blind at kahit hindi aminin, malalaman pa rin dahil sa pictures nila together ng GF na si Joanne Villablanca sa kani-kanilang IG accounts.

Sa presscon pa rin ng Regal Entertainment movie na showing sa February 10, nabanggit ni Derek na hindi pa break sina Angelica at John Lloyd, ngayon may nagkumpirma na sa break-up ng dalawa, ano kaya ang masasabi ni Derek?

Anyway, umabot na sa 1-M views ang trailer ng Love Is Blind, marami na ang interesadong ma­panood ang first mainstream movie ni direk Jason Paul Laxamana dahil nakakatawa naman talaga.

Barbie hindi pa rin sumusuko kay Dennis

Nasa “lungkot mode” si Barbie Forteza ngayon dahil namatay ang pet cat niyang si Beh na more than two years niyang inalagaan. Galing sa terms of endearment nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na “Beh” ang pangalan ng cat ng aktres.

Ang maganda kay Barbie, once humarap na sa camera sa taping ng That’s My Amboy at promo nito, kinakalimutan muna niya ang lungkot.

Nagsimula na kagabi ang rom-com series na tiyak na kagigiliwang panoorin dahil mas marami ang tawa at kilig kesa sa drama at iyakan. Kering-keri ni Barbie ang role ng isang PA kay Andre Paras.

Samantala, aliw si Barbie dahil nang tanungin kung kaninong celebrity siya papayag mag-PA, si Dennis pa rin ang isinagot nito. Matagal nang may crush kay Dennis si Barbie at wala siyang pakialam kahit may GF ito at ngayon nga ay si Jennylyn Mercado, basta tuloy ang paghanga niya sa aktor.

Hinihiritan na ng fans ng bago Deeper album ni Julia Anne naka-triple platinum na!

Nag-triple platinum ang Deeper album ni Julie Anne San Jose under GMA Records at ginanap ang awarding sa Sunday PinaSaya last Sunday. Ikinatuwa ‘yun ng fans ng singer-actress dahil muli nilang naipakita ang lakas ng kanilang suporta kay Julie Anne at ngayon nga, nagre-request sila ng panibagong album sa GMA Records.

Ang hindi lang natutuwa sa achievement sa recordingni Julie Anne ay ang ilang AlDub fans na hindi maintindihan kung bakit threatened pa rin kay Julie Anne. Patuloy ang pamba-bash nila kay Julie Anne at hindi sinunod ang payo ni Maine Mendoza na tigilan na ang pamba-bash kay Julie Anne dahil walang rason.

‘Kaloka ang ibang fans at gustong umalis si Julie Anne sa Sunday PinaSaya na para bang sila ang producer. Mayroon namang gustong umalis sa GMA 7 si Julie Anne at lumipat sa ABS-CBN para tuluyang lumayo kay Alden Richards. Eh, wala ngang relasyon ang dalawa at paulit-ulit na sinabi ni Alden na si Maine lang ang love team niya ngayon, kaya guys, relax.

Bukod sa triple platinum award, nakasama rin si Julie Anne sa celebrities na bagong endorsers ng Creamsilk at kasama sa tinawag na Modern Filipina na kinabibilangan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Anne Curtis, Coleen Garcia, Yassi Pressman, Nadine Lustre, at Heart Evangelista.

Landian nina Gabby at Carla sinusundan ng viewers kahit palipat-lipat ng timeslot

Balik sa 9:30 p.m., timeslot ang Because Of You, pero sabi ng mga sumusubaybay ng rom-com series, kahit saan ilagay na time slot ng GMA 7 ang show ay susundan at panonoorin nila. Lalo pa ngayon na mas gumanda ang takbo ng istorya dahil sina Jaime (Gabby Concepcion) at Andrea (Carla Abellana) na.

Kaya lang, may darating na problema sa relas­yon ng dalawa dahil babalik na si Valerie Concepcion na gumaganap na asawa ni Jaime. Problema rin si Oliver (Rafael Rosell) na hindi matanggap na out na siya sa life ni Andrea.

Magaling na si Carla na ilang araw ding nagkasakit kaya tuluy-tuloy na ang taping nito na nanga­ngamoy extension daw.

ACIRC ANG ANNE BARBIE DAHIL DEREK JULIE JULIE ANNE KAY LOVE IS BLIND NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with