^

Derek pamangkin lang ang turing kay Kiray

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

May karapatan ang hunk actor na si Derek Ramsay na tumanggi sa kanyang makakatrabaho kung ginusto niya pero bilang isang actor, kailangan niyang magpakita ng professionalism tulad na lamang sa case nila ng batang komedyana na si Kiray Celis.

Walang question na tinanggap ni Derek ang offer ng Regal Films na sila’y pagtambalin ni Kiray at maging ng kanyang ex-girlfriend na si Solenn Heussaff lalo na nang mabasa niya ang script ng pelikulang Love is Blind na pre-Valentine offering ng Regal.

Bukod sa maliit, pamangkin ang turing ni Derek sa dating cast ng Goin’ Bulilit at Luv U pero nag-require ng mga kissing scenes ang pelikula na kailangan nilang gawin.

Si Derek bale ang naka-una sa mga labi ni Kiray na “nagreklamo” dahil kinagat umano ni Derek ang kanyang lips sa halip na smuck lang daw.

Tuwang-tuwa ang mga dumalong entertainment writers sa presscon ng pelikula dahil dominado ang presscon ni Kiray habang nag-i-enjoy lamang sa pakikinig ang ibang bida na sina Derek, Soleen at Kean Cipriano.

It seems na si Kiray ngayon ang youngest comedienne in town.

Ian doble kayod na dahil sa anak

Masaya si Ian de Leon na balik-stable siya sa bakuran ng Viva kung saan siya lumagda ng co-management contract with me.

Kung matatandaan pa, sa bakuran ng Viva unang nakilala si Ian bilang ka-loveteam noon ng dating Viva teen star na si Donna Cruz. Ang dalawa ay nagtambal sa pelikulang Habang May Buhay in 1996 under Viva Films at idinirek ni Mac Alejandre.

Ngayong may asawa’t anak na rin si Ian, gusto niyang mag-focus nang husto sa kanyang trabaho bilang actor dahil may pamilya na siya na dapat buhayin.

Non-showbiz ang misis ni Ian na si Jennifer Orcine at may isa na silang baby, si Jaden Kristoff de Leon na isinilang noong October 15, 2015.

Ian is ready to tackle support and kontrabida roles.

Benjie mabait daw kaya pinagpala ng dalawang talentadong anak

Proud ang dating cager-turned actor-comedian na si Benjie Paras sa kanyang dalawang anak sa ex-wife na si Jackie Forster na sina Andre at Kobe Paras na lumaki na mababait at professional sa kanilang piniling career – si Andre sa acting at si Kobe naman sa basketball (in America) na pareho nilang ini-enjoy.

Although hindi pa rin naaayos ang gap ng magkapatid sa kanilang estranged mom, focused ang dalawa sa kanilang mag­ka­hiwalay na interest.

“Mabait kasi ako,” biro nito sa presscon ng pelikulang Lumayo Ka Nga sa Akin na kamakailan lamang ipinalabas sa mga sinehan.

Last November lamang ay napanood din si Benjie sa pelikulang Wang Fam na pinagtambalan naman nila ni Pokwang under Viva Films na dinirek ng box office director na si Wenn Deramas.

Maro Panganiban gumagawa na ng tatak sa showbiz

Nasa showbiz na rin ang 12-year-old grandchild ng veteran entertainment writer na si Ronald Constantino sa pamangking si Rosary Constantino Panga­niban na si Maro Panganiban (Marcine Rozen Panganiban) na ipinanganak sa Santa Clara, California.

Magmula nang bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Maro ay naging in demand itong TV and commercial model ng iba’t ibang brands. Itinanghal itong best actress ng FAMAS in 2010 para sa pelikulang Last Viewing at nakapag-guest na rin siya sa iba’t ibang TV programs tulad ng Wansapanataym, May Isang Pangarap, Annaliza, Be Careful with My Heart as young (Jodi Sta. Maria) and as young Maja Salvador sa Kapamilya presentation ng Gift of Life in 2014.

American ang great grandma ni Maro kaya mestisa ang kanyang looks.

Luis at Angel nagpakilig sa PGT

Kung tinanggihan ni Luis Manzano na ma­katrabaho ang kasintahang si Angel Locsin sa pelikulang Everything About Her na pagsa­samahan sana nilang tatlo ng kanyang mom na si Batangas Gov. Vilma Santos, hindi naman nakaiwas si Luis na makasama ang girlfriend sa bagong season ng Pilipinas Got Talent bilang isa sa apat na hurado along with Vice Ganda, Robin Padilla, at Freddie Garcia.

Sina Luis at Billy Crawford ang resident hosts ng PGT at swak ang kanilang chemistry.

In last Sunday’s episode, hindi napigilan ni Angel ang maiyak sa ipinakitang husay ng Power Duo interpretative dance number nina Anjanette at Gervin kaya nilapitan ni Luis ang kasintahan at pinahid ang luha nito sa pamamagitan ng kanyang kamay.

Nakakatuwa rin ang mga real drama na nagaganap sa PGT na nakakadagdag ng excitement para sa mga televiewers.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN DEREK IAN KANYANG KIRAY LUIS MARO PANGANIBAN STRONG VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with