TV series at pelikula ni Andre nagsasalpukan sa promo
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

Mahirap talaga yang dala-dalawa ang ka-loveteam. Nalilito ang mga fans. Imbes nga naman makapag-concentrate sa iisang loveteam, hati ang atensyon nila’t interes. Tulad ng nagaganap ngayon sa tambalang Andre Paras/Barbie Forteza na nagsimula na ang seryeng That’s My Amboy kahapon ng hapon sa GMA. Kung saan todo ang  promo para sa serye at mayro’ng nakakasabay na promo rin para naman sa pelikula ni Andre kasama ang isa pang ka-loveteam (sa pelikula naman) na si Yassi Presssman. 

Habang ginagamit na anggulo para sa That’s My Amboy ang pagka­karo’n ng kilig ni Barbie kay Andre, lumabas naman ang naging kahilingan ni Andre na kunan ng makatatlong ulit ang kissing scene nila ni Yassi sa pelikula. Magpapatuloy ang ganitong sagupaan sa promosyon hanggang hindi nai­­­palalabas ang Girlfriend For Hire nila sa February 10. 

Ngayon lang naman maapek­tuhan ng pelikula ni Andre ang serye niya sa TV. Makaraang ma­­­­­­ipa­labas ito at saka  pa lamang niya mapagtutuunan  ng pansin ang pagpapaka-sweet kay Barbie. Tsk. Tsk. Tsk.

Pauleen, nanay lang ang nagpaabot ng mensahe sa kanila ni Vic

Masalimuot nga siguro ang pinagdaanan ng re­las­yong Vic Sotto at Pauleen Luna para makita on national TV ang ginawang pag­luha ng komedyan­te habang nagbibigay ng mensahe at pasasa­lamat sa kanyang mapapangasawa at sa lahat ng na­ki­saya sa kanilang bridal shower/stag party na ginanap sa Eat Bulaga nu’ng Sabado. Dumalo sa pagtitipon ang mga kapatid ni Bossing  Vic at ang mga kaibigan ni Pauleen. Sa kanyang pamilya, tanging ang kan­yang ina ang nagpaabot ng mensahe.

Sa Sabado na, January 30, ang kasalang Vic/Pauleen na ma­gaganap sa isang simbahan sa Alabang.

Congratulations and best wishes.

Isabelle ?mayaman ang napiling papa?

Wala palang kinabukasan ang mga lala­king mahirap ka­pag ang napili nilang ligawan ay si Isabelle Daza, anak ng pinakaunang Pinay Miss Universe. 

Mayaman ang isa sa mga katangian na gusto ni Isabelle sa manliligaw sa kanya. Kung sabagay, hindi na naghahanap ng boyfriend ang magandang artista. Matagal na itong may karelasyon na isang foreigner. Matagal na itong taken. May kaya sigurado ang lalaki at kaya nitong pangatawanan ang pag-sustain ng lifestyle ng magandang artista ng Tubig at L­angis ng ABS CBN na mapapasabak ng aktingan kina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes.

Power Duo pasok sa semi-finals ng PGT Robin pumindot na ng Golden Buzzer

Wala pa sa contest proper ang Pilipinas Got Ta­lent (PGT), pero viral na ito sa social media. At bakit naman hindi, makulay na ang istoryang pinagdadaanan ng apat na hurado na sina FM Garcia, Vice Ganda, Robin Padilla, at Angel Locsin. 

This early ay nakahanap  na ng semi-finalist ang programa nang pindutin ni Robin ang Golden Buzzer na nagbibigay pagkakataon sa Power Duo na makapasok sa semi-finals. 

Ang swerte ng parehang mananayaw na kumuha ng interes hindi lamang ng mga hurado kundi maging ng mga manonood. But then, both dancers were really exceptional.

ACIRC ANDRE PARAS ANG ANGEL LOCSIN BARBIE GOLDEN BUZZER MY AMBOY NBSP PAULEEN POWER DUO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with