^

Parang pang-old: Pia hindi pang-Miss U ang dress nang humarap sa press

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

SEEN: Ang balita na pinatay na ang karakter ni Valeen Montenegro sa Princess In The Palace. Magkasama sina Ciara Sotto at Valeen sa pang-umaga na teleserye ng GMA 7.

SCENE: Nawala ang karakter ni Valeen Montenegro sa Princess In The Palace habang mainit ang isyu na siya ang ugat ng paghihiwalay nina Ciara Sotto at Jojo Oconer. Executive si Oconer ng APT Entertainment, ang producer ng Princess In The Palace.

SEEN: Naging emosyonal si Pia Wurtzbach sa presscon na ipinatawag ng Bb. Pilipinas Cha­rites, Inc. noong Linggo. Hindi pang-Miss Universe ang bestida ni Pia sa naganap na presscon.

SCENE: Ang balita na patuloy pa rin ang secret relationship nina Sef Cadayona at Andrea Torres. Si Andrea ang dahilan kaya hiniwalayan ni Yassi Pressman si Sef.

SEEN: Hindi nagkakasalubong ang mga landas nina Yassi Pressman at Sef Cadayona buhat nang maghiwalay sila. Iniiwasan nila na magkita sa isang lugar at nangyari ito nang muntik nang magpang-abot sina Yassi at Sef sa bahay ng kanilang common friend.

SCENE: Walang naniwala sa pagtanggi ni Jeric Gonzales na hindi siya ang lalaki sa kumalat na video scandal. Imbes na mag-deny, dapat na manahimik na lamang si Jeric dahil alam nito ang buong katotohanan.

SEEN: Ang rebelasyon ni Pia Wurtzbach na sawi siya sa pag-ibig. Inaalam ng mga reporter ang identity ng mystery guy na nagbigay kay Pia ng heartache at dapat manghinayang dahil pinakawalan niya ang pinakamagandang babae ngayon sa kalawakan.

ALIGN ANDREA TORRES ANG CIARA SOTTO PIA WURTZBACH PRINCESS IN THE PALACE QUOT SEF CADAYONA STRONG VALEEN MONTENEGRO YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with