Pakialamera na kasi, harbatera pa! Nanay ng magandang actress-TV host banned na sa mga raket ng anak
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

Dating co-host sa isang malaganap na programa sa telebisyon ang isang magandang actress-TV host. Complete package kung ibenta siya ng kanyang manager, maganda na ay matalino pa, may hahanapin ka pa ba?

Pero maepal ang kanyang ina. Naiinis sa mommy ng aktres-TV host ang mga kasamahan niya sa trabaho, masyadong pakialamera ang nanay ng magandang personalidad, marami itong pintas sa mga katrabahong co-hosts ng kanyang anak.

May ka-ex-deal ang lahat ng co-hosts ng show, ang production mismo ang kumukuha nu’n para sa kanila, hindi na sila bibili at magkakagastos dahil libre na ang kanilang isinusuot.

“Magkakaibang shop ang nagbibihis sa lahat ng co-hosts ng show. Hindi puwedeng isang shop lang, magkakapare-pareho kasi ang mga outfit nila.

“Pakialamera si mommy, pinipintasan niya ang damit ng mga kasamahan ng anak niya, hindi muna siya manalamin, dahil mas kapintas-pintas ang pagdadala ng damit ng anak niya dahil may kasyubaan,” napapailing na kuwento ng aming source.

Habang nakaere ang show ay walang ginawa ang mommy ng female personality kundi ang kumain nang kumain sa dressing room. Minsan, gutom na gutom ang isang female host, pagbalik nito sa dressing room ay wala nang pagkain.

“Paano, nagbabalot din ng food ang mommy ni ____(pangalan ng actress-TV host), hindi siya nagkakasya sa kakakain lang, nag-uuwi pa siya ng lafang! Pakialamera na, harbatera pa?

“After a few months, hindi na siya sumasama sa anak niya. Ang katwiran niya, e, nagtayo raw siya ng business, pero hindi totoo ‘yun!

“Pinagbawalan na siyang sumama dahil palagi siyang ugat ng mga tsismis sa set, nauubos din ang lafang dahil iniuuwi niya, ‘yun ang tunay na dahilan kung bakit PA na lang ang kasama ng anak niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Claudine parang hindi namahinga, akting hindi napurol

Sayang, sa pagkakasundo rin pala mauuwi ang kanilang pagdedemandahan, sana’y nasaksihan pa ‘yun ni Mommy Cheling Santiago.

Pero nahuli ang pangyayari, patay na ang dakilang ina ni Raymart Santiago nang magkasundo sila ni Claudine Barretto, sana’y naging mapayapa ang pag-alis sa mundo ni Mommy Cheling.

Ang maaliwalas na aura ni Claudine ang pinakapalatandaan na maayos na nga ang relasyon nila ngayon ni Raymart bilang magkaibigan. Hindi na sila magpa-file ng annulment para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“Professional si Claudine, saka hindi pa rin nangalawang ang acting niya kahit matagal siyang nabakante. Walang kahirap-hirap sa kanya si Direk Joel Lamangan,” kuwento ng isang kasamahan namin sa TV5 na ang tinutukoy ay ang taping ng Bakit Manipis Ang Ulap? na mapapanood na sa darating na February 15 nang gabi.

Napakaraming nawala sa aktres nang maging magulo ang personal nilang buhay ni Raymart. At tanggap ‘yun ni Claudine, alam niya na maraming oportunidad ang napalampas niya, kaya isang umaga ay nagising na lang siya sa katotohanan na kailangan na niyang asikasuhin ang kanyang karera.

“Siya ang nagreyna sa primetime shows nu’n ng ABS-CBN. Hindi pa natatapos ang teleserye niya, may inuumpisahan na siyang isa, kanyang-kanya nu’n ang trono,”pag-alala ng isa naming kausap.

Siguro nga ay hindi na ‘yun maibabalik dahil sa dami ng mga artistang nag-aagaw-agawan ngayon sa titulo, pero ang mahalaga ay nandito na siya uli, hindi madaling makabalik mula sa matagal na pagkawala pero may TV5 at Viva Entertainment na sumalo sa kanya.

“Maraming magagandang dialogues sa Bakit Manipis Ang Ulap. Abangan n’yo ‘yung monologue ni Claudine, may tuhog siyang eksena. Du’n n’yo masasabi na parang hindi siya nawala,” komento ng kasamahan namin sa TV5.

ACIRC ANG BAKIT MANIPIS ANG ULAP CHELING SANTIAGO CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO HINDI JOEL LAMANGAN NBSP NIYA SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with