^

Aktres bipolar kaya iniiwan ng lalaki

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bipolar naman pala ang isang aktres kaya hindi makasundo ng boyfriend. As in super gaga raw ito at napakahirap pakisamahan kaya hindi nagtataka ang ilan kung bakit nilalayasan ng BF.

Ngayon sanang ok na sa kanila ang lahat at may anak na sila, nadiskubre ni BF ang kagagahan nito kaya ang ending, mukhang nganga na naman daw ito sa kasalukuyang karelasyon.

Nay Lolit nagtitiis ng lamig para kay Grace

Grabe ang pagka-loyalista ni Nay Lolit Solis dahil kahit winter sa Japan, ang T-shirt na may tatak ng pangalan ni Sen. Grace Poe ang suot niya. At hindi siya nagdya-jacket ha, shawl lang kesehodang ang lamig-lamig.

Kahit maraming tinutulungan at kaibigang pulitiko, all out ang support ni Nay Lolit sa senadora na kandidata sa pagka-presidente.

Taray ‘di ba, tinitiis ang lamig para lang kay Grace.

James at Paulo, mas tumitindi ang iringan

Patuloy ang iringan at pagpapasiklaban nina Clark (James Reid) at Simon (Paulo Avelino) upang makuha ang atensyon ni Leah (Nadine Lustre) sa top-rating teleseryeng On the Wings of Love.

Lalo pang tumitindi ang kumpetisyon nina Clark at Simon nang mag-showdown ang dalawa sa isang agaw-pansing karaoke session sa surprise birthday party para kay Leah.

Mas lumala pa ang iringan ng magkaribal nang makita ni Clark na hinalikan ni Simon sa pisngi si Leah. Dahil dito, nag-alboroto si Clark at inilabas ang kanyang sama ng loob sa fiancée. Sinabi rin ni Clark ang kutob niya na may pagtingin na si Simon kay Leah.

Magdudulot kaya ang isyung ito ng malaking away sa engaged couple? Ito na kaya ang simula ng gusot sa pag-iibigang Clark at Leah na ipinasilip sa bagong On the Wings of Love trailer?

May konting pasilip sa pagmamahalang Clark at Leah na parehong nagbalik sa San Francisco at mukhang magkaibang landas na ang tinatahak. Ipinakita rin sa trailer ang muling pagkikita nina Clark at Leah sa lugar kung saan sila unang nagtagpo pati ang kanilang magkahiwalay na pagbisita sa mga lugar sa San Francisco na malapit sa kanilang puso.

ANG CLARK GRACE POE JAMES REID LEAH LOLIT SOLIS NADINE LUSTRE NAY LOLIT NBSP ON THE WINGS OF LOVE SAN FRANCISCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with