^

PSN Showbiz

‘Relasyon’ nina Bea at John Lloyd wala pa rin makakumpirma

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

In showbiz, wala talagang lihim na hindi nabu­bunyag lalo na kung ang involved ay mga kilalang personalidad.

Noong isang taon pa na­pa­balita ang pagiging sha­ky umano ng relasyon ng mag­ka­­sintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ganundin nina Bea Alon­zo at Zanjoe Marudo.

Marami ang nagtaka nang magkabakasyon sina Bea at Zanjoe sa magkaibang lugar recently. Si Bea sa Japan at si Zanjo naman sa Europe. Doon pa lamang ay marami na ang nag-speculate na hi­wa­lay na ang dalawa ngunit nanataling tahimik ang magkabilang kampo hinggil sa isyu ng hiwalayan.

Nakumpirma lamang ang break-up nina Bea at Zanjoe nang mag-guest ang huli sa Tonight with Boy Abunda at doon niya inamin na hiwalay na nga sila.

Nang kumalat ang balita na sina Bea at John Lloyd Cruz na umano ngayon, ang kasintahan mismo ni JLC na si Angelica ang nagsabi na sila pa rin ni John Lloyd pero hindi nagtagal ay muling napabalita na hiwalay na nga talaga ang dala­wa. Ganunpaman, hindi pa rin malinaw kung totoong sina Bea at John Lloyd na ngayon na muling nagkasama sa mega hit movie na A Se­cond Chance.

Sa kanilang mahigit isang dekadang partnership bilang successful na magka-loveteam, ne­ver na na-link romantically sa isa’t isa ang dalawa. Hangga’t hindi nagsasalita ang isa sa kanila o silang dalawa tungkol sa issue, mana­natili ang espekulasyon ng publiko na totoo ang tsismis sa kanilang dalawa.

Mga ‘kapatid’ ni Alonzo nadagdagan na!

Lumagda ang inyong lingkod sa isang co-management deal with Viva Artists Center kamakailan lamang na aming sinimulan noong isang taon sa pamamagitan ng child star na si Alonzo Muhlach. Ang iba pa naming mga bagong alaga ay kinabibilangan nina Ian de Leon, Francine Prieto, ang 2012 Bb. Pilipinas 1st runner-up na si Ali Forbes, ang Walang Tulugan mainstay na si Rhen Escaño, si Racquel Pareño (anak ng veteran actress na si Gina Pareño), ang 15-year-old-son ni Alma Concepcion sa businessman na si Dodie Puno na si Cobie Puno, ang 12-year-old commercial model-child actress na si Maro Panganiban, at ang 8-year-old child actress na si Princess Flores (dating Zarah Mae Deligero).

Rhen Escaño may tsansang maging big star

Kung mabibigyan ng break, malaki ang potential ng 22-year-old na si Rhen Escaño na maging malaking star.

Matagal-tagal na rin namin itong napapansin sa Walang Tulugan kung saan hinahasa ang talent ni Rhen sa singing, hosting, at sayawan.

Although nabibigyan ng projects si Rhen ng GMA, madalas mga supporting roles lamang ang kanyang gi­nagampanan pero naniniwala ang dalaga na may ka­ni-kanyang panahon ang pagsikat ng isang artista kaya naghihintay umano siya ng tamang panahon.

A SE

ACIRC

ALI FORBES

ANG

ATILDE

BEA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

RHEN ESCA

SHY

WALANG TULUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with