Bea ayaw pang paligaw kay John Lloyd!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2016 - 9:00am

Sa kabila ng paniniwala ng lahat na kaya nakipag-break sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa kani-kanilang napakatagal na panahon nang mga karelasyon ay natagpuan nila ang pag-ibig para sa isa’t isa.

In fairness sa dalawa, hindi naman nila agad tinalon ang pakikipagrelasyon mula kina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. Best of friends pa rin sila. At kung meron mang panunuyo na nagbubuhat sa aktor, isang source ang nagsabi na humihiling muna si Bea na huwag muna ngayon. Obvious na malaki ang nagawa ng A Second Chance para magkaroon ng something ang dalawa. Pero kapuri-puri rin naman ang determinasyon nila na palamigin muna ang sitwasyon bago sila pumasok sa isang bagong relasyon.

Idinadaan na lang sa rosary ina ng Tulfo Brothers, tanggap na ang ‘mapanganib’ na trabaho ng mga anak

Isa sa kapuri-puring ugali ng magkakapatid na Ra­­­mon, Erwin, Raffy, at Ben Tulfo ay ang kani­lang labis na pagmamahal at respeto sa isa’t isa.

Kaya naman happy ang kanilang ina dahil kahit puro lalaki ang mga anak at mapanganib ang mga trabaho ay suportado nila ang isa’t isa. Nu’ng bago pa ang magkakapatid sa kanilang tra­baho at patong-patong pa ang mga kasong kinakaharap nila ay walang oras na hindi nag­rorosaryo ang kanilang ina. Hindi nabawasan ang panganib sa kanilang trabaho hanggang ngayon, pero nagawa na nilang tanggapin na bahagi na nito ang mga panganib, kaso, at death threats na tinatanggap nila.

Sa magkakapatid, tanging si Ramon ang parang nag-lie low, pero si Erwin ay patuloy sa kanyang pagiging news anchor ng TV5 at kasama pa rin sa matapang na programang pang serbisyo publiko na T3, kasama pa rin ang dalawa niyang kapatid na sina Ben at Raffy.

Video scandal ni Joross wala nang epek sa kanyang career

Sa kabila ng pagdaan ng mga taon, nagawa pa ring mapanatili ng tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ang maganda nilang chemistry. Ang saya nilang pagmasdan habang nagpapaligsahan sa atensyon ni Polo Ravales sa episode nu’ng Sabado ng Maalaala Mo Kaya.

Mahirap mapatumba si Joross ng lumabas niyang lumang video scandal. Sa tagal ng panahon na hinintay ng nagpalabas ng video ay nagawa na ni Joross na maipakilala ang kanyang sarili sa mga manonood bilang isang mahusay na artista. Ang mga ganung video ay nakakagulat lamang, pero hindi nakakatakot.

Mga babaeng sangkot sa hiwalayang Ciara-Jojo dapat nang magsalita

Kung hindi kaya o ayaw linisin ni Ciara Sotto ang pangalan ng ilang babaeng nasasangkot sa naging hiwalayan nila ng kanyang mister na si Jojo Oconer na nagresulta sa pag-aalsa balutan niya pabalik sa tahanan ng kanyang mga magulang, kaya itong gawin ng mga babaeng nasasangkot. Puwede silang magsalita sa media at ilabas ang kanilang sarili sa gusot, pero bakit kaya walang gumagawa nito? Hindi naman siguro ito nangangahulugan na may kasalaman sila?

A SECOND CHANCE ACIRC ANG ANGELICA PANGANIBAN BEA ALONZO BEN TULFO CIARA SOTTO ERWIN JOROSS MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with