^

PSN Showbiz

Mga nakapanood na-awkward sa message kay Pauleen, naging relasyon ni Pia kay Vic hindi pa rin limot

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Blooming groom-to-be si Vic Sotto. Nakumpirma na may mga tutol noon sa relasyon nina Vic at Pauleen Luna dahil sa pahayag ng aktor sa national television na hindi naging madali ang lahat para sa kanila ng babae na pakakasalan niya.

SCENE: Ang awkward na pakiramdam ng televiewers habang pinapanood nila noong Sabado ang mensahe ni Pia Guanio kay Pauleen Luna para sa nalalapit na pagpapakasal nito kay Vic Sotto. Hindi pa nabubura sa isipan ng televiewers ang naging relasyon nina Vic at Pia.

SEEN: Hindi na popular sa mga Pilipino ang April 9 boxing fight nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa Las Vegas dahil wala itong binatbat sa mga nakaraan na laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

SCENE: May plano ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN na isadula sa telebisyon ang life story ni House Representative Leni Robredo. #NangangamoyKampanya.

SEEN: Naghahanap ang MMK staff ng aktres na nababagay na gumanap bilang Leni Robredo at nangunguna sa kanilang listahan si Lorna Tolentino.

SCENE: Sina Jak Roberto at Prince Villanueva ang dalawa sa mga baguhang artista na nananalig na magpapatuloy ang Walang Tulugan with the Master Showman dahil pangarap nila na mabigyan din ng malaking break sa telebisyon tulad ng nangyari kina Ken Chan at Hiro Peralta na produkto rin ng late night program ng pumanaw na TV host na si German Moreno.

SEEN: Ang salita ni John Nite na mga pangit, sintunado, at hindi marunong sumayaw ang ibang mga talent ng Walang Tulugan na may mga pangarap kaya binigyan ng break sa showbiz ng kanyang Tito German Moreno.

SCENE: Noong Sabado lamang muling nagkita si Pia Wurtzbach at ang kanyang ina, isang buwan mula nang koronahan siya bilang Miss Universe. Hindi pa rin makapaniwala ang mga kamag-anak ni Pia na Miss Universe na siya.

ALIGN

ANG

LEFT

LENI ROBREDO

MGA

MISS UNIVERSE

PAULEEN LUNA

QUOT

STRONG

VIC SOTTO

WALANG TULUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with