Andre hindi puwedeng mamili kina Barbie at Yassi
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

Walang problema kahit pinagsasabong ng fans sina Barbie Forteza at Yassi Pressman dahil kay Andre Paras. Bawat grupo ay naghahangad na pumili lamang ng isang ka-loveteam ang aktor sa halip na mamangka sa dalawang ilog katulad ng ginagawa nito ngayon. Pero tali ang kamay ng aktor para rito. Meron na kasing napagkasunduan ang management na humahawak ng kanyang karera na Viva at Kapuso Network kung saan siya nakakontrata.

“Ang loveteam namin ni Yassi (YanDre) ay para sa pelikula lamang. Ang sa amin naman ni Barbie (AnBie) ay exclusive para lang sa TV. Kaya hindi magkakaro’n ng conflict ang dalawang loveteams. Besides, I really like the two loveteams, wala silang pagkakapareho,” pagtatanggol ni Andre.

Mapapanood ang That’s My Amboy ng AnBie sa January 25, after Little Nanay at ang movie ng YanDre na Girlfriend For Hire sa February 10. Kung may napi-pressure sa halos pagtatapat ng dalawang proyekto, si Yassi ito dahil first time nilang magbibida ni Andre sa pelikula. ‘Yung mga nakaraan nilang mo­vies ay nagtampok ng smorgasboard of stars.

Kaya ‘di na nagkukuwento Kean ayaw nang magkaproblema sa lovelife

Hindi mabigyan ng tamang salita ni Kean Cipriano ang kaligayahang nadarama sa pag­babago ng estado niya sa buhay. Pero tulad ng unang napagkasunduan nila ng misis na si Chynna Ortaleza, ayaw niyang mag­bigay ng detalye tungkol sa kanilang marriage o maging sa nababa­litang pagbubuntis nito.

Nagsawa na marahil ang frontman ng bandang Calla Lily sa pag-o-open ng kanyang lovelife na naging lubhang naging masalimuot noon. Kaya this time, nag-decide siyang gawing private ang buhay niya.

Xian manhid na sa mga intriga

Bakit hindi muna natin hintaying maipalabas ang Everything About Her bago husgahan kung nagawa mang makipagsabayan ni Xian Lim sa kanyang co-stars na sina Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin? Ipinagtanggol ng dalawang babae si Xian sa mga basher nito na nagsabi agad na nagkulang siya sa kanyang performance sa ipalalabas pa lamang na film na nagpaiyak kay Xian during the grand presscon of the movie.

Inamin ng aktor na sa kabila ng matagal na rin niyang pag-aartista ay hindi pa rin siya nasasanay at madaling mapikon ng mga kontrobersya at intriga. Pero nagsisikap pa rin siya na tanggapin hindi lamang ang mga tagumpay ng kanyang trabaho kundi maging ang mga sakit na hatid nito.

Balak buhayin ang MET Isko itutuloy ang pangarap ni Kuya Germs

Kahit sa sarili niyang pamamaraan ay pipiliting buhayin ni Manila VM Isko Moreno ang mga magagandang gawain ng kanyang mentor at discoverer na si Kuya Germs, tulad ng pagiging malapit sa entertainment press.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pag-iikot sa bansa para sa pagtakbo sa Senado sa darating na halalan, hindi niya napahindian ang paanyaya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na pangu­nahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng nag-iisang grupo ng movie writers ng bansa. Gina­nap ito nu’ng January 21. Ang PMPC ay pinamumunan ni Fernan de Guzman bilang pangulo.

Ganito kaaga at anuman ang maging resulta ng elek­syon, inanunsyo ni VM Isko na siya ang unang magbibigay ng Christmas party sa entertainment press na si Kuya Germs din ang nagpauso.

Sa mga naiwang proyekto ng Master Showman, pipilitin niyang makatulong para maipatayong muli ang MET o Metropolitan Theater.

ACIRC ANDRE PARAS ANG ANGEL LOCSIN BARBIE FORTEZA BATANGAS GOV KAYA KUYA GERMS MGA PERO XIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with