^

PSN Showbiz

Cristine at mapapangasawa nagtitipid sa kasalan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahit abala si Sen. Chiz Escudero sa paghahanda sa kanyang pa­nga­ngampanya, may oras talaga siya para kay Heart Evangelista. Sabi nga ni Heart, kahit maraming meetings na kailangang harapin ng Vice Presidentiable, tinitiyak niyang meron pa rin daw panahon si Sen. Chiz para sa kanya. Kaya minsan ay sa bahay daw nila nakipag-meeting para samahan siya habang nagpipinta ito.
Nu’ng nakaraang fashion show nina Mark Bum­garner at Heart kung saan pinintahan nito ang mga gown, suportado rin siya ni Sen. Chiz. Kaya ma­damdamin ang post ni Heart para sa kanyang asawa. Aniya, “To make you proud was the only thing I wanted...my friend, mentor, my inspiration...to my husband, to be the best I can be...I dedicate to you.”

Ngayon ay pinagkakaabalahan ni Heart ang bago niyang cooking show sa Star World.

PAK: Itinatanggi ni Ara Mina na kontra ang Mommy Klenk nila sa relasyon nina Ali Kathibi at Cristine Reyes. Hindi nga raw kasama ang pamil­ya sa kanilang kasal next week at okay lang naman daw ito sa kanila. Meron naman daw silang mala­king selebrasyon na church wedding bago matapos ang taong ito.

Naintindihan naman daw ni Ara kung hindi muna sila kasama dahil magastos. “Magastos sa Balesin eh,” natatawang sagot sa amin ni Ara sa presscon ng Tasya Fantasya ng TV5.

BOOM: Isang kilalang actor/ TV host ang manghang-mangha sa mga naglalabasang sex video ngayon.

Bakit daw sa edad nitong mga aktor na sangkot sa sex video ay nagsasariling sikap pa rin daw sila. “Ako, sa edad kong ‘to, hindi ko na ‘yan ginagawa. Magmula nang magka-girlfriend ako, wala na akong sariling sikap. Bakit sila, may mga babae na sila naggaganyan pa rin sila,” natatawang bulalas ni actor TV host.

Hindi raw nya maintindihan ang ganung trip ng mga batang aktor natin ngayon.

ACIRC

ALI KATHIBI

ALIGN

ANG

ARA MINA

BAKIT

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CRISTINE REYES

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with