^

PSN Showbiz

Cristine napansin na may pinagdadaanan si Zanjoe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muling magkakatambal sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo sa teleseryeng Tubig at Langis. Maraming beses nang nagkatambal ang dalawa noon kaya mas kumportable na ngayon sa isa’t isa sina Cristine at Zanjoe. “Okay naman, mas may rapport kami. Kasi before medyo nao-awkward ako kapag kasama ko siya. hindi lang ako friendly, hindi ko siya kinakausap. Tahimik din siya, pareho kaming tahimik. Hindi kami nagkakaroon ng chance mag-usap,” bungad ni Cristine.

Samantala, kamakailan ay umamin si Zanjoe na nagkahiwalay na sila ng kasintahang si Bea Alonzo. Napansin daw agad ni Cristine na may pinagdadaanan ang aktor bago pa man pumutok ang balita. “Meron akong na-notice sa kanya, mas lumalim ‘yung acting niya. Parang for me, mas real. Pero I don’t know, I have no idea because madami akong ginagawa. Lalo na may baby ako, may wedding ako at may bahay kaming pinapagawa. So wala akong masyadong news about it and naririnig ko lang,” pagbabahagi ni Cristine.

Ilang araw na lamang ay ikakasal na ang aktres sa kasintahang si Ali Khatibi. Kapag mag-asawa na ay hindi na raw gagawa si Cristine ng masyadong mapangahas na mga eksena sa proyekto. “Okay lang, alam din naman ni Ali. Siguro for me since alam naman ng lahat na mag-aasawa na ako, medyo may exclusivity for Ali na lang. Unlike before na single naman ako. So ‘yun lang ‘yung iniisip ko rin,” pagtatapos ng aktres.

Alexa gustong maging legit singer

Sobrang ikinalungkot daw ni Alexa Ilacad ang pagkawala ng Luv U sa Kapamilya network. Marami na raw nami-miss ang dalaga ngayon sa nasabing youth-oriented show. “Super sad siyempre kasi parang nag-graduate na naman ako sa Goin’ Bulilit, napagdaanan ko naman ‘to and nami-miss ko sila. Nami-miss ko ‘yung school uniform ko, ‘yung set, ‘yung lunch breaks namin na Korean food, ‘yung bonding namin, lahat nami-miss ko pero most of all nami-miss ko sila kahit alam kong magkikita kami lagi pa din. Iba siya pero I have to understand all good things must come to an end. Kapag may mawawala, may kapalit naman,” pagbabahagi ni Alexa.

Nangangarap daw ang aktres ngayon na makapasok din sa recording industry. “I want to pursue my singing career. I want to be a legit singer. I want to have an album. Actually I’ve written a song with Nash (Aguas) na pinasa namin sa P-Pop. Nakapasok kami sa first few top pero sadly hindi do’n sa final pero it’s okay dahil magagamit pa rin namin ‘yung song and we like to write together. I would like to release a song na sulat ko,” nakangiting pahayag ni Alexa.

ACIRC

ACTUALLY I

AKO

ALEXA

ALEXA ILACAD

ALI

ALI KHATIBI

ANG

BEA ALONZO

CRISTINE

CRISTINE REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with