Lovi nagahasa
(Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tunghayan ngayong Sabado sa Magpakailanman ang kakaibang tambalan nina Lovi Poe at Louise delos Reyes bilang lesbian couples.

Kilalanin ang karakter ni Lovi na si Jack – isang butch lesbian na ginahasa at nabuntis.

Samahan siya at ang kasintahan niyang si Kat sa isang makulay ngunit masalimuot na paglalakbay ng pagdadalang-tao at pakikipagsapalaran sa mga problema para maitawid ang pagbubuntis.

Dahil produkto ng isang broken family, sa murang edad ay natuto na si Jack na tumayo sa sariling paa. Sa pagba-buy and sell ng mga gadget ay nakilala niya si Jojo, isang foreman na itinuring na din niyang tatay-tatayan.

Naging kaagapay ni Jack sa buhay ang girlfriend na si Kat.

Umalis ng bahay si Kat at mas piniling sumama kay Jack.

Nang ipakilala ni Jack si Kat kay Jojo, nagkaroon ito ng interes kay Kat.  

Mahal na mahal ni Jack si Kat at nangakong poprotektahan ito matapos ilang beses na muntik magahasa.

Pero hindi niya inasahan na mismong siya pala ay makakaranas ng ikinakatakot para sa kasintahan. 

Nang minsang malasing si Jack, siya ang pinagsaman­talahan ni Jojo. Pinilit ni Jack na kalimutan na lang ang nangyari.

Pero nang malamang buntis siya, binalikan niya si Jojo ngunit hindi na niya ito natagpuan.

Itinago ni Jack kay Kat ang nangyari sa takot na iwan siya nito.

Pero nang malaman ni Kat ang pagbubuntis niya, nangako itong tutulungan siyang palakihin ang bata, dahil na rin sa pagmamahal nito kay Jack.

Pakiramdam naman ni Jack ay nagdala ng kamalasan sa kanya at sa relasyon nila ni Kat ang bunga ng panggagahasa ni Jojo.

Sinubok nito ang kanilang relasyon.

Saan dadalhin si Jack ng isang karanasang kahit kailan ay hindi niya pinangarap?

Hanggang saan naman dadalhin si Kat ng pagmamahal niya para kay Jack?

Makakasama rin nila sa episode sina Gilleth Sandico, Juliene Mendoza, Paolo Rivero, Mike Magat, Dexter Quindoza, at Ms. Gina Alajar.

ANG DEXTER QUINDOZA GILLETH SANDICO JACK JOJO JULIENE MENDOZA KAT LOVI POE MIKE MAGAT NBSP PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with