Zanjoe iniiyakan pa rin si Bea
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2016 - 9:00am

Hindi na marahil pag-uusapan pa ang naganap na hiwalayan sa matagal nang magkarelasyon na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Wala na ring mga haka-hakang lalabas o mga ispekulasyon tungkol sa estado ng kanilang mga puso dahil kay Zanjoe na rin mismo nanggaling ang kumpirmasyon  na wala na sila ngayon ng aktres. Hindi na kinailangang alamin pa ni Boy Abunda ang detalye ng kanilang paghihiwalay, sapat na ang namalas niyang paghihirap ng kalooban ng kanyang kausap sa nangyaring hiwalayan para tapusin niya agad ang kanilang pag-uusap ng aktor. May mga proyekto naman ang aktor sa Kapamilya Network na makakatulong ng malaki para maalis ang isip niya sa kinahinatnan nila ni Bea.

Tulad ng Tubig at Langis na malapit nang simulan sa ABS-CBN na kung saan ay kasama niya sina Cristine Reyes at Isabelle Daza. Balak niyang magpatayo ng isang farmhouse sa kanilang probinsiya na mag-aalis din sa kanyang isip ng kanyang problema sa puso kapag wala siyang trabaho.

Heart may cooking show na rin

Pati cooking show ay pinasok na rin ni Heart Evangelista. Pinamagatang Foodtrip, hindi ito mapapanood sa kanyang home network na GMA kundi sa Cable Channel na Star World Asia

Hindi magpapanggap na magaling na kusinera si Heart dahil sa pamilya mas magaling na cook si Sen. Chiz Escudero pero, tutulungan siya ng kanyang co-chef na si Chef Stefano de Medici para ipakita ang mga paboritong pagkain ng mga maimpluwensya at kilalang tao. Tulad ni UK Ambassador to the Philippines na si Asit Ahmad.

Ryza nakahanap na ng forever sa isang chef

At least kung sa isang chef na tulad ni Tristan Encarnacion magkaka-affair si Ryza Cenon maba­bawasan ang mga gulo at intriga na sasagupain ng kanilang tandem at magiging matahimik ang kanilang relasyon.

Bukod kasi sa hindi naman takaw publisidad ang sikat na chef, si Ryza man does not go out of her way to seek publicity.

Hoping ang aktres na si Tristan na nga ang makatuluyan niya.

Diether hindi pa totoong hiwalay sa GF!

Hindi naman maiiwasan na magalit ng girlfriend ni Diether Ocampo na si Michelle Barrera sa anunsyo ni Claudine Barretto sa presscon ng teleserye nila ni Diether sa TV5 na Bakit Manipis ang Ulap na break na sila ng girlfriend niya.  

Maganda naman talagang anggulo yun para sa promosyon ng kanilang teleserye. Batid din marahil ‘yun ni Diether kaya hindi na siya pumiyok. Kaso, si girlfriend ang pumiyok at nagsabing hindi totoo na break na sila at nagagalit ito na pinangungunahan siya ng iba sa kanilang buhay.

BiGuel pinag-uusapan pati sa social media

Hindi pinalampas ng avid Kapuso viewers ang pagsisimula ng Wish I May, ang pinakabagong Afternoon Prime series ng GMA 7.

At hindi lang sa telebisyon bumuhos ang suporta ng mga manonood dahil pati sa social networking sites ay punung-puno ng positibong komento sa programa.

Hot topic sa Twitter ang pilot episode ng serye na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

AFTERNOON PRIME ALIGN ANG ASIT AHMAD BAKIT MANIPIS HINDI KANILANG LEFT MGA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with