Kean takot kay Chynna!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2016 - 9:00am

PIK: Riot ang presscon ng pelikulang Love is Blind ng Regal Films na magsu-showing na sa February 10.

Napaglaruan nang husto ang kissing scene nina Derek Ramsay at Kiray Celis.

Feeling ni Kiray naabuso siya sa kissing scenes nila dahil ang buong akala raw niya smack lang ang halikang iyun. Hindi raw niya alam na pati raw pala labi niya ay nginasab-ngasab ni Derek.

“Hindi ko naman kasi alam na ang smack ay kainan ng labi. Ang alam ko yun ang torrid,” tili ni Kiray.

 “Ang torrid, labas ang dila,” singit naman ni Derek.

 “Hindi naman kasi ako na-inform na ang smack ay kainan ng labi. Hindi mo sinabi sa akin na gutom ka eh,” sagot sa kanya ni Kiray.

Dinagdagan pa ni Solenn na ang isang kissing scene daw nina Derek at Kiray ay parang na-rape lang daw ang batang komedyante.

PAK: Sino kayang sexy actress ang tinanggal na raw sa bagong drama series ng TV5 na Bakit Manipis ang Ulap dahil hindi makuha-kuha ang instruction ni Direk Joel Lamangan?

Sa February 15 na ito magsisimula at mapapanood pa doon si sexy actress. Pero ilang episodes lang ay tegi na si sexy actress dahil hindi raw ma-get ang acting na gusto ni direk.

Pero bongga si sexy actress, kinumpronta nito si direk para klaruhin kung totoong pinatanggal siya sa naturang soap.           

Sabi ni direk, wala raw siyang power na magpatanggal ng artista. Sinabi lang daw niya sa Viva Entertainment na nahirapan sa naturang aktres. Kaya napagdesisyunang patayin na lang ang karakter ni sexy actress.

Abangan na lang kung sinong sexy actress ang unang matsugi sa kuwento ng Bakit Manipis ang Ulap, siya na nga ‘yun.

BOOM: Nakiusap si Kean Cipriano na ibigay na raw sa kanila ang privacy ng relasyon nila ni Chynna Ortaleza.           

Kasama ang mag-asawang Kean at Chynna sa Love is Blind, pero si Kean ang humarap sa presscon nung kamakalawa lang kaya natanong sa kanya ang naturang isyu.

Napagkasunduan daw nilang mag-asawa na pagdating sa kanilang pagpapakasal at ang isyung buntis si Chynna ay kung puwede sa kanila na lang daw ito.

Kaya hindi nito kinumpirma kung totoong buntis nga ba si Chynna.

I don’t really want to give any details regarding us, but we are living a good life with our family. Baka pag magsalita ako, matulog ako sa ibaba ng kama,” safe na sagot ni Kean pagdating sa isyung nagdadalangtao si Chynna.

ACIRC ANG BAKIT MANIPIS CHYNNA CHYNNA ORTALEZA DEREK KEAN KIRAY LANG NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with