Rafael Rosell, kinaiinisan!
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Natutuwa si Rafael Rosell nang mabalitaan na may mga manonood na naiinis sa kanyang karakter bilang Oliver sa Because Of You. Ayon sa Kapuso actor, ibig sabihin lang nito ay kumakampi sila sa iba’t ibang team up ng serye, may kinikilig sa TeamOliver at mayroon din na boto kay Gabby Concepcion kaya sa TeamJaime sila kampi. Kaya naman super enjoy siya sa kanyang role at natutuwa na marami ang kinikilig at natatawa sa Because of You.

Presidentiables sasabak sa ‘job interview’

Sasabak sa isang matinding “job interview” ang mga kandidato sa pagkapangulo sa GMA election special na Wanted: President na magsisimula na ngayong Linggo, Enero 24.

Kada Linggo at Sabado, isa-isang kikilatisin ang mga tumatakbo para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa pamamagitan ng one-on-one interview sa mga ito ng mga batikang mamamahayag na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco.

Kung ang pagiging pangulo ay maituturing na isa sa mga pinaka-importanteng “job opening”, dapat lamang na dumaan sa masusing pagkilala sa mga aplikante sa nasabing posisyon.

Ito ang nais mangyari ng GMA News and Public Affairs sa Wanted: President.

Sa naturang “job interview”, aalamin ang personalidad ng bawat kandidato at ang kanyang paninindigan sa mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa. Uungkatin din ang mga kontrobersiyang kinasangkutan ng kandidato at aalamin ang kanyang konkretong plataporma para sa bayan.

Ngayong Linggo, buena manong mauupo sa hot seat si Vice President Jejomar Binay na makakapanayam ni Mike Enriquez. Sasagutin ni Binay ang mga alegasyong binabato sa kanya tulad ng isyu sa “Hacienda Binay”, ang napaulat na overpricing ng Makati City Hall Building II, at ang anomalya sa Boy Scout.

Ibabahagi rin ng Bise Presidente ang opinyon niya tungkol sa Commission on Audit at ang kanyang mga naiisip na posibleng solusyon sa korap­syon sa pamahalaan. Alamin din ang masasabi niya sa maiinit na isyu tulad ng parusang kamatayan at Freedom of Information Bill. At tulad ng isang normal na job interview, aalamin din sa naturang panayam ang ilang detalye sa personal na buhay ni Binay.

Pagkatapos ng panayam kay Binay ay kikilatisin naman ni Mel Tiangco si dating DILG Secretary Mar Roxas sa Sabado, Enero 30. Ito ay masusundan ng mga panayam sa iba pang kandidato sa pagka-pangulo.

Abangan ang Wanted: President tuwing Linggo at Sabado simula January 24, 2016, 9:30 p.m. on GMA 7.

ACIRC ANG BECAUSE OF YOU BINAY BISE PRESIDENTE BOY SCOUT MEL TIANGCO MGA MIKE ENRIQUEZ NBSP SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with