Celebrity Playtime mapapanood na tuwing Sabado at Linggo
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Doble na ang kulitan, kasiyahan, at tawanan tuwing weekend dahil mapapanood na tuwing Sabado (4:45 PM) at Linggo (5 PM) ang talk-comedy-game show ng ABS-CBN na Celebrity Playtime simula ngayong Enero 23.

“Very thankful ako na na-appreciate ng mga tao ang show. Nasanay ako sa Deal or No Deal at  Minute to Win It na may konting tensyon, kailangan pinapakaba mo ‘yung player. Dito sa Playtime, very light, kulitan lang talaga,” pahayag ng host na si Luis Manzano.

Sa pagpapatuloy naman ng harutan at kumpetisyon sa programa, nananatiling defending champion ang Team Ka-Familiar na kinabibilangan nina Karla Estrada, Nyoy Volante, EA Guzman, at Melai Cantiveros. Sa ngayon, nakaipon na sila ng tumataginting na P1.6 milyon sa kabuuan.

Hindi naman magpapatalo sa kanila ang Team Building nina K Brosas, Pooh, Chokoleit, at Pokwang na nangakong babawi at tatalunin ang kalaban.

Aling team ang mamamayagpag ngayong weekend?

Huwag palampasin ang Celebrity Playtime ngayong Sabado at Linggo sa ABS-CBN

ANG CELEBRITY PLAYTIME K BROSAS KARLA ESTRADA LINGGO LUIS MANZANO MELAI CANTIVEROS NO DEAL NYOY VOLANTE SABADO TEAM BUILDING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with