Ibinuko ng mga kaibigan, Chynna confirmed na may laman ang tiyan, Michelle Madrigal magtatago sa Amerika para manganak?!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

PIK: Walang sagot si Paolo Contis nang hi­ningan ito ng reaksyon sa pagkakaroon ng bagong baby ng dating asawang si Lian Paz.

Halatang nagulat ang Kapuso actor nang tanungin siya tungkol sa pagbubuntis ni Lian at pa­nganganak nito.

Matagal na silang hiwalay at matagal na ring naka-base si Lian sa Cebu kasama ang Cebuano boyfriend na basketbolista at negosyanteng si Anjan Cabahug.

Tahimik lang si Lian nu’ng buntis, at nalaman na lang pagkatapos niyang manganak.

Hindi nagkomento si Paolo tungkol dito. Ang pagkakaalam namin, ongoing pa ang annulment case nila ni Lian, kaya tikom ang bibig nito.

PAK: Ang isa pang buntis na ay si Chynna Ortaleza.

Ang daming nagkomento sa ipinost niya sa kanyang Instagram account kahapon na halata na raw ang baby bump nito.

Walang sagot si Chynna tungkol dito. Pero ilan sa mga taong malapit sa kanya ang nagkumpirmang nagdadalang-tao na nga ito. Hindi lang daw sila sure kung ilang buwan na ang kanyang dinadala.

BOOM: Isa ring sexy star ang kumpirmadong buntis na rin daw. May ilang blind items na naglabasan, at parang si Michelle Madrigal ang tinutukoy.

Ang latest kasing narinig namin, aalis daw pa-Amerika si Michelle. Kaya ang usap-usapan, kung totong buntis na nga, doon na raw ito manganganak.

Hindi lang kami sure kung boyfriend pa rin ni Michelle ang basketbolistang si Chris Ross, at kung ito nga ang nakabuntis sa kanya.

ACIRC ANG ANJAN CABAHUG CHRIS ROSS CHYNNA ORTALEZA LIAN LIAN PAZ MICHELLE MICHELLE MADRIGAL PAOLO CONTIS WALANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with