Kiray kinu-consider na hottest leading lady ni Derek
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

Ano kaya ang feeling ni Kiray Celis na tinawag siyang “My hottest leading lady I’ve worked with” ni Derek Ramsay na leading man niya sa Regal Entertainment movie na Love Is Blind at showing na sa February 10.

Marami ang nainggit kay Kiray lalo na nang i-post ni Derek sa Instagram (IG) ang picture nila na parang hahalikan nito ang dalaga. May mga nag-wish na sana sila na lang si Kiray at may naghahanap pa kung nasaan ang hustisya.

“This is it! Eto na talaga...Ang first role ko sa buong buhay ko. Salamat @regalfilms sa pagbibigay sakin ng chance na ito po. At sana...Panuorin at suportahan niyo, Love Is Blind sa February 10 na,” pagpu-promote ni Kiray.

Matapos mabulilyaso kay Cesar Piolo target gawing pari na may anak

Sana magtagumpay si director Jun Lana na mapapayag si Piolo Pascual para tanggapin ang pelikulang Ama Namin na tungkol sa pari na may anak. Si Cesar Montano ang unang choice ni direk Jun for the said role, pero lumampas na raw sa takdang panahon.

Hindi nila agad nagawa ang Ama Namin dahil nagkaproblema sa location nila. Wala silang makuhang simbahan na gustong pumayag na gamiting location para sa pelikulang controversial ang tema. Ang naisip na solusyon ni direk Jun, gagawa na lang sila ng simbahan para gamiting location.

Ang Ama Namin ang pangatlo sa trilogy film na binubuo ng mga pelikulang Bwakaw, at Barber’s Tales. Hindi pala kasama ang Anino Sa Likod ng Buwan sa trilogy at sumingit lang ito.

Balik kay Piolo, gumagawa ng indie film ang aktor at ang latest ay kasama si John Lloyd Cruz. Siguro magiging madali kay Piolo na tanggapin ang Ama Namin  ‘pag nakuha ni direk Jun si Marco Masa na nagbida sa Nathaniel para gumanap na anak nito sa nasabing pelikula.

Paranormal at Lola Basyang tatapusin na

Hanggang January 30 na lang sa TV5 ang Paranormal Activity at Lola Basyang sa suggestion ni Mr. Vic del Rosario. Papalitan sila ng dalawa ring bagong shows at isa rito ay youth-oriented.

Hindi umalma si direk Perci Intalan sa suggestion ni Boss Vic dahil marami raw itong ideya na refreshing at bagong perspective. Sinabihan din naman siya na puwedeng ibalik ang dalawang programa.

Inamin ni direk Perci na nangapa sila nang pumasok sa TV5 ang Viva Communications dahil iba ang strategy ni Boss Vic. Pero nang magkausap na, nawala ang naramdaman at tuloy ang pagpoprodyus nila ng shows sa TV5.

Kay direk Perci pala namin nalaman na si Boss Vic ang may gusto na da­lawang theme songs ang gamitin sa Bakit Manipis Ang Ulap?, kaya bukod sa Kahit Na, gagamitin ding theme song ang I’ll Never Say Goodbye.

Baby bump obvious na!

Kung kasama si Chynna Ortaleza sa cast ng Love Is Blind na dumalo sa presscon kagabi, makukumpirma natin kung totoong preggy na ang aktres. Napansin kasi ng followers ni Chynna sa IG na tila may baby bump siya.

Nalaman din natin for sure kung ano ang role ni Chynna sa Regal Entertainment movie na showing sa February 10 kung saan, isa sa mga bida ang husband niyang si Kean Cipriano.

First mainstream movie ito ni director Jason Paul Laxamana na mukhang masusundan dahil nag-enjoy siya.

ACIRC AMA NAMIN ANG ANINO SA LIKOD BAKIT MANIPIS ANG ULAP BOSS VIC KIRAY LOLA BASYANG LOVE IS BLIND NBSP REGAL ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with