Kilalang aktor halos sabay inanakan ang dalawang babae!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na pinagsabay umano ng isang kilalang actor ang dalawang babae na magkasunod ding nabuntis at nagkaroon ng anak?

Kilala ang actor sa pagiging ladies’ man kaya hindi kataka-taka ang pagkakaroon nito ng ugnayan sa mga babae na kanyang pinagsasabay.

Hiwalay na ang actor sa kanyang misis kung kanino rin ito may mga anak.

Shy at Mark nag-promise na aalagaan ang isa’t isa

Nangako sina Shy Carlos at Mark Neumann na pareho nilang aalagaan ang kanilang first team-up sa Tasya Fantasya TV series ng TV5. Ang dalawa ang pinakabagong loveteam na pinaniniwalaang aalagwa sa taong ito.

Si Shy ay contract talent ng Viva Artists Agency habang si Mark naman ay homegrown talent ng TV5.

Si Shy ay kapanabayan noon ni Nadine Lustre sa bakuran ng Viva bilang members ng all-girl group na Pop Girls. Nagkataon lamang na unang nabigyan ng magandang break si Nadine na siya na ngayong established star kasama ang ka-loveteam na si James Reid.

Now it’s Shy’s time to shine sa pamamagitan ng kanyang first lead TV series na likha ni Carlo J. Caparas at dalawang beses nang ginawa sa pelikula at telebisyon. Si Kris Aquino ang unang gumanap sa pelikula habang si Yasmien Kurdi naman sa television (GMA).

Marami ang naniniwala na may potential ang tambalan nina Shy at Mark na tiyak na aalagwa sa taong ito.

Lian panay babae ang mga anak

Baby girl ang isinilang ng ex-wife ni Paolo Contis na si Lian Paz sa businessman boyfriend nitong Cebu-based na si John Cabahug.

Si Lian ay may dalawang anak na babae sa kanyang ex-husband na si Paolo.

Kung si Lian ay may iba nang karelasyon sa katauhan ni John, si Paolo naman ay open na rin ang relasyon sa ex-GF ni Paulo Avelino na si LJ Reyes na may isa na ring anak kay Paulo.

Ang hindi pa alam ay kung annulled na ang kasal ng dating mag-asawang Paolo at Lian.

ANG CARLO J JAMES REID JOHN CABAHUG LIAN LIAN PAZ MARK NEUMANN NADINE LUSTRE PAOLO CONTIS PAULO AVELINO SI SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with