^

PSN Showbiz

Andre parang si Alden, walang reklamo kahit hindi na natutulog

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Luxury para kay Andre Paras ang tulog dahil sa rami ng mga commitment niya.

Magkasunod na araw ang mga presscon ng television show at pelikula na pinagbibidahan ni Andre, ang That’s My Amboy ng GMA 7 at Girlfriend For Hire ng Viva Films at SMDC.

Almost everyday ang taping ni Andre para sa bagong kilig-serye nila ni Barbie Forteza sa Kapuso Network at kahit wala pang tulog, didiretso siya sa presscon ng Girlfriend For Hire, ang romantic comedy movie na tinatampukan nila ni Yassi Pressman na showing sa mga sinehan sa February 10.

May mga mall show pa sina Yassi at Andre para sa Girlfriend For Hire kaya wala nang pahinga ang young actor na parang si Alden Richards na hindi natin naririnig na nagrereklamo dahil gustong-gusto nila ang mga ginagawa at sobra-sobra ang pagmamahal sa kanilang propesyon.

Mas mabuti nang hindi magkandaugaga si Andre dahil sa rami ng trabaho kesa sa mga artista na malungkot dahil walang mga movie o television offers na dumarating sa kanila.

Andre at Yassi umaapaw ang trabaho

Pareho ang dilemma nina Andre at Yassi na patong-patong din ang mga commitment pero hindi nagrereklamo na napapagod na siya.

Bukod sa promo ng Girlfriend For Hire, may taping si Yassi para sa Born To Be A Star ng TV5 bilang co-host ni Ogie Alcasid.

May programa rin si Yassi sa Sari Sari Channel ng Cignal Cable pero nakakahanap pa rin siya ng oras para bisitahin ang branch ng Tipsy Pig sa Burgos Circle na negosyo nila ni Bela Padilla at ng ibang mga business partner. Wala nang na-link kay Yassi mula nang maghiwalay sila ni Sef Cadayona na in love na in love pa rin yata kay Andrea Torres.

Dahil loveless si Yassi, hoping ang fans nila ni Andre na hahantong sa tunay na relasyon ang kanilang special friendship.

Nagkakaisa ang fans ng Yandre na panahon na para magkaroon ng inspirasyon sina Yassi at Andre pero hindi nila kailangan na maghanap dahil silang dalawa ang nababagay sa isa’t-isa.

Miss Australia nakisawsaw na rin kay Pia

Gamit na gamit si Pia Wurtzbach ng ilang mga talunan na kandidata ng Miss Universe 2015.

Alam yata ng mga Luz Valdez candidate na mahilig mag-react sa mga isyu ang mga Pilipino at mag-surf sa Internet ang kanilang hobby kaya sumisikat ang sinuman na naninira kay Pia.

May duda ako na sinasadya ng mga talunan na kandidata na imbyernahin si Pia para mapag-usapan sila sa social media at sa mga newspaper bilang mapagpatol ang mga Pinoy.

Ang Miss Australia na si Monika Radulovic ang latest sa mga Miss Universe candidate na humingi ng paumanhin dahil sa kanyang social media post tungkol kay Pia.

Ang pralala ni Miss Australia, mali ang pagkakaintindi sa kanyang pahayag na hindi masyadong nice ang Top 3 candidates ng Miss Universe at alam ng lahat na si Pia at sina Miss USA, at Miss Colombia ang mga tinutukoy niya.

“I always strive to be the best, kindest person I can be. But what I said yesterday came out completely the wrong way and I want to sincerely apologise for that. 
“I didn’t mean they weren’t nice girls, just that they were very focused on what they were doing. I just didn’t get a chance to get to know them as much as you would have liked, and that is all that I meant by it.

“I’m truly sorry if I’ve offended or upset anyone, that is the last thing I’d ever want to do. I will choose my words much more carefully from now on.

“Thank you to all of the beautiful people that have been defending and supporting me- I read and appreciate all of your comments and you all truly brighten my day.”

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDRE

ANDRE PARAS

ANG

GIRLFRIEND FOR HIRE

MGA

MISS

MISS AUSTRALIA

MISS UNIVERSE

YASSI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with