Piolo halos ‘di na makita nang yakapin ni Sharon, Cesar mas bumata ang hitsura, parang wala nang problema
(Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2016 - 9:00am

SEEN: Palengkerang-palengkera si Jessa Zaragoza sa pagtatanggol sa kanyang 12-year-old daughter na bina-bash ng fans nina Bailey May at Ylona Garcia. Karapatan ni Jessa na ipagtanggol ang anak nila ni Dingdong Avanzado dahil nanay siya.

SCENE: Alam na ngayon ni Jessa Zaragoza ang pakiramdam ng isang ina at ang naramdaman ng nanay niya na kanyang sinuway noong kasikatan niya.

SEEN: Ngumiti lamang si Diether Ocampo nang tanungin siya ng isang entertainment writer tungkol sa kanyang attitude na parang galit sa mundo na ipinakita niya sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?. Pinagbibintangan bitter si Diether.

SCENE: May teleserye na inihahanda ang GMA 7 para kay Alden Richards at ang availability na lamang niya ang hinihintay upang masimulan ang project.

SEEN: Ang larawan ng yakapan nina Sharon Cuneta at Piolo Pascual sa ASAP noong Linggo. Patalikod ang kuha ng litrato kaya mukha at braso na lamang ni Piolo ang nakita dahil natakpan siya ng katawan ni Sharon.

SCENE: Down-to-earth si Miss Universe Pia Wurtzbach sa television interview sa kanya ni Steve Harvey at lovable siya kung ikukumpara sa panayam ni Harvey kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez na umaapaw ang self-confidence.

SEEN: Sinuportahan nina Susan Roces at Senator Francis Escudero si Senator Grace Poe nang pumunta ito kahapon sa session hall ng Supreme Court para magmasid sa oral arguments tungkol sa kanyang disqualification case. Hindi na tinapos nina Susan at Senator Grace ang pakikinig sa oral arguments.

SCENE: Ang show ni Sarah Geronimo sa Activity Center ng Trinoma sa January 23. Ipo-promote ni Sarah ang bagong album niya na Great  Unknown.

SEEN: Mas guwapo ngayon si Cesar Montano kesa noong nagsasama pa sila ng kanyang asawa. Bumata at tila walang problema si Cesar nang humarap sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? noong Lunes.

ACTIVITY CENTER ALDEN RICHARDS ANG BAILEY MAY BAKIT MANIPIS ANG ULAP CESAR MONTANO DIETHER OCAMPO DINGDONG AVANZADO FRANCIS ESCUDERO JESSA ZARAGOZA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with