Carla pinag-aagawan nina Gabby at Rafael
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa suntok ni Jaime (Gabby Concepcion), nawalan ng malay si Oliver (Rafael Rosell) pero sa sampal lang ni Rebecca (Iya Villania) natauhan naman ito agad.

Ipinadala ni Jaime sa presinto si Oliver. Nag-thank you nga si Andrea (Carla Abellana) kay Jaime for saving aher from Oliver’s pambabastos pero galit siya kay Jaime dahil sa walang paalam na iniwan siya ni Jaime sa San Isidro. Clueless naman si Jaime kung bakit galit si An­drea, nagtataka pa.

Napilitang pumunta sa office ni Jaime si An­drea dahil tumawag si Dennis, kailangan daw siya ni Jaime. Kinilig si Andrea sa presence ni Jaime but she is still mad at naisumbat na kay Jaime ang nangyari sa San Isidro.

Dito na nakapagpaliwanag si Jaime kung bakit biglaan siyang umalis at hindi na nagkaroon ng chance to contact Andrea.

Naintindihan naman ni Andrea na mabigat ang naging sitwasyon ni Jaime with his kids sa Amerika lalo na kay Cheska. But the most important thing for her, nilinaw ni Jaime na hindi ito nandoon para makipagbalikan kay Veronica.

ACIRC AMERIKA ANDREA CARLA ABELLANA CHESKA DAHIL GABBY CONCEPCION IYA VILLANIA JAIME RAFAEL ROSELL SAN ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with