Tito Sotto at Helen Gamboa ayaw pakialaman ang problema ni Ciara sa asawa
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

PIK: Dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at katrabaho ni Kuya Germs ang pasiyam para sa kanya na ginanap sa Sampaguita Gardens kamakalawa ng gabi.

Masayang pinag-usapan ang Walang Tulugan nu’ng nakaraang Sabado na maayos nilang nairaos sa tulong ni Nora Aunor.

Pinuri si Shalala na nagawa niyang pasa­yahin ang tsikahan kasama ang Superstar.

Na­gawa niyang paglaruan si Ate Guy, gaya ng ginagawa niya kay Kuya Germs na masaya at hindi nakakainsulto.

Ang tanong nga roon, sino raw kina Shalala at John Nite ang nararapat na makakuha ng titulong Master Showman.

Natatawang sagot ni Shalala, okay na raw siya kung gagawing Walang Tulugan with the Superstar and Shalala. Pero payag kaya si John Nite rito?

PAK: Ilan sa maagang dumalo sa pasiyam kay Kuya Germs ay ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sinubukan naming hingan sila ng pahayag tungkol sa napabalitang pakikipaghiwalay ni Ciara Sotto sa kanyang asawang si Jojo Oconer. Pero ayaw munang magsalita ng mag-asawa.

Sabi ni Tito Sen; “We’d rather leave it to her, leave it to her discretion kung ano ang gusto niyang ipaalam sa publiko about her relationship, her marriage.

“At the moment, we’re leaving it up to her muna. Diskarte nya ‘yun.”

Singit naman ng inang si Helen Gamboa; “She just want to keep her privacy in the meantime.

“Sabi nga ni Lola Nidora, ‘sa tamang panahon.”

BOOM: Consistent si Solenn Heussaff sa pagtanggi sa isyung nagpakasal sila sa Argentina ng long-time boyfriend niyang si Nico Bolzico.

Nag-post si Solenn sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Nico na kuha sa Argentina. Iyon daw ang isa sa highlights ng bakasyon nila roon kung saan may celebration ng kanilang union. Pero sa ipinost nito, nilinaw niyang hindi iyon wedding ceremony.

Sabi pa niya; “Many people feel they have the right to judge and speculate whether or not we got married etc.

“I’m in the process of fixing many papers after our celebration in Argentina and I am currently busy prepping for my wedding later this year.

“I always said I would share after the wedding to keep it private and since it hasn’t happened yet – I haven’t shared!”

May nag-react na follower na sinabihan siyang ibinase naman daw ang isyung iyon sa mga ipinost niya sa kanyang social media account. Sinagot naman ito ni Solenn na wala raw siyang ipinost noon pa. Mga kaibigan naman niya kasi ang nag-post at binati siya pero hindi naman pala iyon para sa kanilang pagpapakasal.

Magiging abala si Solenn sa promo ng pelikula niyang Lakbay2Love at ang susunod ay ang Love is Blind, kaya siguradong paulit-ulit na itatanong ito sa kanya.

ACIRC ANG ARGENTINA AND I HELEN GAMBOA JOHN NITE KUYA GERMS PERO SABI SHALALA SOLENN WALANG TULUGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with