Sa pagsabit Ciara inabsuwelto si Julia!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

Sa tweet ni Ciara Sotto na “My dearest sista @JuliaClarete I miss youuuuu! Come and visit soon ok? I love you!” patunay ito na friends ang dalawa at hindi si Julia ang sinasabing rason ng marital problem nina Ciara at Jojo Oconer.

May mga nag-akala kasing si Julia ang third party sa hiwalayang Cia­ra at Jojo dahil nawala sa Eat...Bulaga si Julia at nabalitang sa Kuala Lumpur, Malaysia na ito based. Malinaw sa tweet ni Ciara na wala silang isyu.

Nabasa namin ang tweet ni Julia na sabi ay babalik siya this January sa Eat...Bulaga, hindi nga lang sinabi kung dito uli siya maninirahan o bibisita lang siya sa Pilipinas. Tila may show itong gagawin sa last week ng January kasama ang ilang banda.

Hermes bag na orig nasukahan lang ni Gov. Vi

Sa mga papuring narinig ni Batangas Gov. Vilma Santos sa presscon ng Everything About Her, pinakamaganda ang paha­yag ni director Bb. Joyce Bernal na dahil sa ibinigay ng chance ng Star Cinema na maidirek si Gov. Vi, nabuhay uli ang passion niya na magdirek na namatay for awhile.

“Dumadaan tayo sa pagka-burn out, pero dahil sa pelikulang ito at maidirek si Vilma, nabuhay ang passion ko. Na-miss n’yo rin ako ‘no! Marami akong gustong gawin sa 2016,” balita ni direk Joyce.

Ang ganda rin ng sagot ni direk Joyce sa tanong kung ano ang feeling to be working with Gov. Vi.

“Siguro, ready na ako ma-open letter. Wala akong pakialam kung governor siya. Hindi ko pa alam ang kuwento ng movie, pero nang sabihin sa aking si ate Vi ang makakatrabaho ko, yes kaagad ako. ‘Pag pinalampas mo ito, malaki ang pinalampas mo sa buhay mo. Kailangan kong kalimutang governor siya o best actress siya. Ni-ready ko na rin ang sarili ko na ipatawag ako ng senate hearing. Sana lang, ‘di ko siya ma-disappoint.”

Ikinatuwa ni direk Joyce ang sinabi ng press people na trailer pa lang ng Everything About Her dahil may impact ang bawat eksena. Si direk Joyce na rin ang nagpatotoo na tunay na Hermes ang bag na sinukahan ni Vilma dahil ‘yun ang naibigay ni Angel Locsin.

Showing sa January 27 ang Star Cinema movie na tampok din sina Angel Locsin at Xian Lim.

Martin at Regine nganga sa Valentine

Maiinggit nito sina Martin Nievera at Regine Velasquez dahil magkasama sina Erik Santos at Angeline Quinto sa pre-Valentine’s Day at Valentine’s Day mismo sa concert nilang Royals. Sa February 13, sa SM MOA Arena ang concert at sa Feb. 14, sa Cebu.

Unless, manood si Ogie sa Feb. 13 schedule ng Royals o kaya’y sumama kay Regine sa Cebu para magkasama sila sa Valentine’s Day. Pero parang nabanggit ni Ogie na may V-day concert siya with Jose Mari Chan.

Samantala, mayroon pa rin palang nag-aaway na fans nina Angeline at Sarah Geronimo. Pinagtatalunan ang achievements ng dalawa pati mga naipundar at kulang na lang, pati love life ng dalawa ay pagtalunan pa. Eh, pareho namang happy ang dalawa, si Sarah kay Matteo Guidicelli at si Angeline kay Erik.

Dangwa babu na!

Magtatapos na pala ang Dang­wa at sa post ni Janine Gutierrez sa Instagram (IG), nag-last ta­ping day na sila nina Mark Herras at Aljur Abrenica. Hindi pa lang nabanggit kung kailan ang last airing ng mor­ning series.

Nalulungkot ang fans ni Janine dahil hindi na uli siya mapapanood ng regular, pero masaya na rin ang followers nito kung totoong may next series na inihahanda sa kanya ang GMA 7.

ACIRC ALJUR ABRENICA ANG ANGEL LOCSIN ANGELINE QUINTO BATANGAS GOV EVERYTHING ABOUT HER JULIA NBSP SIYA STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with