^

PSN Showbiz

Laging magkasama at nag-i-sleep over pa Claudine nawiwirduhan sa relasyon nila ni Raymart

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang planong mag-file ng annulment ang dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Mismong si Claudine ang nagsabi na wala pa sa usapan nila ang tungkol sa annulment dahil mas priority nila ang bini-build-up nilang foundation/relationship para sa mga bata.

“Magastos ang annulment. Ok na kami ni Raymart, marami pa kaming ginagastusan dahil sa mga kaso namin noon,” sabi ni Clau sa presscon ng kanyang TV comeback via Bakit Manipis ang Ulap?, ang biggest primetime teledrama ng TV5 produced ng Viva na eere starting February.

Besides, madalas naman daw silang magkasama ng ex-hubby at dalawang anak nila na sina Sabina and Santino na ‘pag lumalabas daw sila ay binibiru-biro sila ng dalawang anak. Pero tinatawanan na lang daw nila ‘pag kinikilig ang mga bata.

“Alam na namin na hindi na kami magkakabalikan. Basta ang sabi ko sa kanya (Raymart) ‘pag nagka-girlfriend siya dapat sabihin sa akin para sa mga bata,” dagdag niya.

Eh siya, wala pang balak magka-boyfriend uli. “Happy na kami na ganito. Ang gagaling ng mga anak namin. Ang babait. Marunong mag-po at opo,” she adds.

“Kailangan kasi talaga may relasyon kami kasi may anak kami. Meron kaming dalawang buhay na pinalalaki. Wala na kaming time to make any mistakes. Sobra nang bugbog ang mga anak namin sa mga naging problema noon.

“Mga Pinoy kasi ‘pag nakita nilang magkasama kayo tinatanong agad nila kung nagkabalikan kayo, weird ang tingin nila,” kuwento niya.

Pero aminado silang may lambingan moments sila pero never daw nilang napag-usapan ang mga happy memories nila.

Nagtatawagan din sila araw-araw, nagkukumustahan. “Tinatanong kung ano ang ginawa sa taping o kung ano’ng nangyari,” pagkukuwento pa ni Claudine.

Puwede na rin daw mag-sleep over ang actor sa bahay nila.

Pero hindi namin nakering itanong kung may nangyayari pa sa kanila dahil inulit niyang wala talagang reconciliation na magaganap.

Samantala, pakiramdam ni Claudine ay parang may sign na ilabas niya ang mga love letter ni Rico Yan noon.

“Kasi hindi ko naman magagawa ‘yun ‘pag in a relationship ka ‘di ba. Now I’m free whatever I want to do,” sabi ni Claudine.

Sa buong buhay din daw nila ni Raymart, ito na ‘yung pinaka-masaya, solid silang magkakampi. “Weird talaga na parang mas maayos na maayos ang relasyon namin ni Raymart ngayon,” pag-amin niya pa.

Diether split na naman sa GF

Nakakapanibago si Diether Ocampo. Bukod sa parang tense  siya kahapon sa presscon ng Bakit Manipis ang Ulap, todo ang pag-i-English niya na ikinaloloka ng marami.

Parang uncomfortable rin daw ang actor at uneasy.

“Kaka-break lang po niya (Diet),” dialogue ni Claudine.

Pinipigilan pa sana ni Diet si Claudine pero wala siyang nagawa.

Pero wala talagang napiga kay Diet hanggang sa matapos ang question and answer portion ng presscon.

Ang alam ng lahat ay si Michelle Cojuangco Barrerra ang karelasyon niya kahit walang inaamin.

Ayon kay Claudine, listener lang siya ni Diether ‘pag nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagdaraanan.

Pero inulit ni Claudine na kaka-break nga lang daw ni Diet kaya raw medyo tahimik ito.

Manipis… mas pinaiinit

Pagkatapos i-launch ang Born To Be A Star at Tasya Fantasya, ang drama series na Bakit Manipis ang Ulap? ang inilunsad ng Viva for TV5 kahapon.

Pinangungunahan nga ito nina Cesar Montano, Claudine, Diether, Bernard Palanca, Meg Imperial at ito ay magsisilbing relaunched sa primetime series ng pelikula na sinulat at idinirek ni Danny Zialcita. Pinagbibidahan ito noon ng mahuhusay na sina Chanda Romero, Lauirice Guillen, Tommy Abuel, Mark Gil, and Janice de Belen.

Ang kuwento ay iikot sa pag-ibig, pamilya, panlilinlang, at panloloko. Taong 1985 nang ipalabas ang Bakit Manipis ang Ulap? sa mga sinehan.

Ngayong 2016 ay bubuhayin ang kuwento. Pero mas pinainit at mas intense ang drama.

Ito ang kauna-unahang project na magkakasama ang limang magagaling na artista na ididirek ng award winning director na si Joel Lamangan.

Tiyak makaka-relate sina Claudine and Diether sa mga role nila dahil alam naman nating lahat kung ano ba ang pinagdaanan nila sa pag-ibig.

Mismong si Boss Vic del Rosario, chief strategist ng TV5 ang nagsabi na hindi nila titipirin ang seryeng ito dahil bukod sa magagaling ang bida, classic ang kuwento ng Bakit Manipis ang Ulap?.

Mapapanood ang biggest teledrama ng 2016 simula sa February 15.

ACIRC

ANG

BAKIT MANIPIS

CLAUDINE

MGA

NBSP

NILA

PAG

PERO

RAYMART

ULAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with