Kailangan na talaga nilang umamin ni Dennis Jennylyn pinagpapantasyahan ng isang senador!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

Mapilitan kaya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na aminin ang kanilang relasyon sa isinagot ni Senator Sonny Trillanes na si Jennylyn ang gusto niyang makasama halimbawang ma-stranded siya sa isang island.

Marami pa ang nagpa­pahayag ng crush at pan­tasya nila si Jennylyn dahil akala’y single ito dahil never nilang inamin ni Dennis ang kanilang relasyon. Sa presscon nga ng #Lakbay2Love, nang kumustahin sa aktor ang bakasyon nila ni Jennylyn sa Amsterdam, “mabuti” at “masaya” lang ang isinagot nito.

Anyway, nag-iimbita sina Dennis at Solenn Heussaff na samahan silang mag-bike papuntang UP sa January 29 dahil doon gaganapin ang Green Carpet premiere ng #Lakbay2Love.

For more info, pati kung saan ang starting point at tickets na rin, check out the facebook page of the movie na showing sa February 3 sa direction ni Ellen Ongkeko-Marfil.

Marian babalik na sa PinaSaya

Malapit na palang magbalik sa Sunday PinaSaya si Marian Rivera dahil ang dinig namin, kundi sa last week ng February, sa first week ng March na siya muling mapapanood sa Sunday show na umeere sa GMA 7. Nami-miss na siya ng viewers ng show at ang segment niyang Judge MD.

Nakita namin si Marian sa necrological service ni German Moreno sa GMA Network. Kasama pala nila ni Dingdong Dantes that time si Baby Z, pero sa sasakyan lang si baby at hindi inakyat.

Joross foreigner ang kaharutan sa sex video

Ang controversy na dala ng sex video scandal ang sasalubong o sumalubong kina Joross Gamboa at wife nito sa kanilang pagbabalik ng bansa mula sa bakasyon nila sa Canada.

Mabuti at naka-private ang Instagram (IG) ni Joross, hindi siya nagulo at hindi na-bash.

Dahil English ang gamit niyang salita sa sex vi­deo, ang feeling tuloy ng mga nakapanood, foreig­ner ang kaharutan ni Joross sa sex video scandal.

ACIRC ANG BABY Z DAHIL ENGLISH DINGDONG DANTES ELLEN ONGKEKO-MARFIL GERMAN MORENO GREEN CARPET JENNYLYN JOROSS JOROSS GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with