_ngayon
^

Anak ni Ciara at asawang nilayasan walang kamalay-malay

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

Kailangan sigurong magsalita ang actress na si Valeen Montenegro dahil siya ang itinuturong dahilan sa paghihiwalay ng mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oconer na mag-aanim na taon pa lamang bilang mag-asawa.

Nilayasan na ni Ciara kasama ang almost one-year-old son na si Vincezo Xose (Crixus) ang kanilang tahanan ng husband niya at bumalik siya sa tahanan ng kanyang mga magulang.

Tiyak na nalungkot ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa sa nangyari sa kanilang bunsong anak lalupa’t mag-iisang taon pa lamang ngayong February 26 ang kanilang apong si Crixus.

Dennis at Jennylyn, consistent sa pangde-dedma

Kahit obvious na nagkabalikan na ang dating mag­kasin­tahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado noong isang taon pa, nananatili pa ring tahimik tungkol sa issue ang dalawa.

What you see is what you get na lamang ang drama ng dalawa dahil gusto nilang mapa­ngalagaan ang privacy ng kanilang pagkaka­balikan at relasyon.

Parehong health conscious sina Dennis at Jennylyn kaya madalas silang magkasama sa paggi-gym. Nagkasama rin recently ang rumored sweethearts sa Amsterdam

Si Jennylyn ay kagagaling pa lamang sa kanyang hit MMFF movie na Walang Forever na pinagtambalan nila ni Jericho Rosales.  Ang nasabing pelikula ang nagbigay kina Jennylyn at Jericho ng Best Actress at Best Actor award respectively, Jennylyn’s second MMFF win in a row.

Si Dennis naman ay may bagong movie, ang Lakbay2Love na pinagtatambalan nila ni Solenn Heussaff.

Sina Dennis at Jennylyn ay parehong may tig-isang anak sa kanilang respective ex-partners na sina Carlene Aguilar at Patrick Garcia na sina Calix at Alex Jazz.

ACIRC ALEX JAZZ ANG BEST ACTOR BEST ACTRESS CARLENE AGUILAR CIARA SOTTO CRIXUS DENNIS TRILLO HELEN GAMBOA JENNYLYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with