Valeen dapat magsalita!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

Si Valeen Montenegro ba ang dahilan ng ginawang paglayas ni Ciara Sotto sa bahay nila ng asawang si Jojo Oconer kasama ang kanilang anak?

Wala namang binanggit na third party si Ciara sa ginawa niyang pag-iwan sa asawa. Pero, ngayong nadawit na si Valeen sa isyu ay kailangan sigurong malinis ng tisay na artista ang kanyang pangalan.

Isabelle ginawang sinungaling ni Solenn

Hindi nakapagtataka na itanggi ni Solenn Heussaff ang kanyang pag-aasawa kahit pa lumabas na mga sunungaling ang mga kaibigan niyang nagkumpirma nito tulad ni Isabelle Daza dahil talaga namang nakasalalay dito ang tagumpay ng dalawang pelikula na natapos niya at nakatakdang mapanood ano mang oras ngayon.

Naisulat ko na na wrong timing ang anunsyo ng kanyang wedding. Talagang makakaapeko ng hindi maganda sa mga movies niya.

Joross malinaw na malinaw ang rehistro sa sex video

Bakit ba ang hilig hilig ng maraming artista na kunan ng sex video ang kanilang mga sarili?

Sadya ba ang pagkuha ng mga artista ng sex video sa kanilang mga sarili at pagkatapos ay ilalabas ito sa social media?

Ngayon si Joross Gamboa naman ang may sex video na nagkalat sa social media.

Hindi maaring itanggi ng aktor na siya ang nasa video dahil malinaw na nakunan ang kanyang mukha habang nagpapakasarap sa kanyang sarili. Malinaw na malinaw din ang rehistro ng kanyang boses. Tsk. Tsk. Tsk.

Kung bakit naman kasi gagawa lang ng hindi mabuti ay kailangang on record pa. Siyempre, hindi ang aktor ang may pakana ng pagkalat ng video, pero siguradong may kumita rito.

ANG BAKIT CIARA CIARA SOTTO ISABELLE DAZA JOJO OCONER JOROSS JOROSS GAMBOA KANYANG SI VALEEN MONTENEGRO SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with