May sariling condo at Papa Jiro balik-showbiz na rin paglabas ng rehab mas excited pa sa ikakasal, nanay ni Pauleen tatlo-tatlo ang pinagawang damit
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

PIK: Madamdamin ang pasasalamat at pamamaalam ng cast at production staff ng The Half Sisters na nagtapos kamakalawa lang.

Sabi nga ni Barbie Forteza na ipinost sa kanyang Instagram account; “Sa tinagal ng show na ito, nasaulo na namin ang isa’t isa. Sobrang hindi ko makakalimutan ang show na ito, I swear!”

Iba na nga raw ang bonding nila, lalo na’t nabuo ang magandang friendship nila ni Thea Tolentino sa loob ng isa’t-kalahting taong pagsasama nila sa halos araw-araw na taping.

Bukas ay papalitan na ang timeslot nito ng kakaiba ring love story na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na Wish I May.

PAK: Sa January 25 na pala lalabas ng rehab si Jiro Manio. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni AiAi delas Alas ang titirhan ni Jiro paglabas nito. Talagang siya na ang guardian ng dating child star at mag-aalaga sa bagong buhay nito.

Ikinuha ni AiAi ng condo unit na titirhan ni Jiro, pati ang personal assistant na mag-aasikaso sa kanya. Sasamahan din daw si Jiro ng isa pa niyang tatay-tatayan na isa sa pinagkakatiwalaan niya.

Ipinagdarasal ni AiAi na tuluy-tuloy na ang pagbabago ni Jiro at maging maayos na ito. Nakahanda na rin naman daw si Jiro sa pagbabalik-showbiz niya. Kaya isasama ito ni AiAi sa pelikulang gagawin niya sa Regal Films.

Ngayong linggo ay makikipag-meeting na si AiAi sa Regal para mapaghandaan ang pagsisimula ng pang-Mother’s Day presentation niya kay Mother Lily.

BOOM: Nagtataka si Pauleen Luna kung saan nanggaling at sino ang nagkakalat ng intrigang hindi raw masaya ang mommy niya sa pagpapakasal niya kay Vic Sotto.

Sa totoo lang, ang Mommy Chat ni Pauleen ang isa sa pinakaaligaga sa nalalapit na kasal ng actress/TV host.

Sa pagkakaalam namin, tatlong designer na ang pinagawan niya ng gown na isusuot niya sa kasal. Tinitiyak lang daw ni Mommy Chat na marami siyang mapagpilian ng gown na babagay sa kanya.

Sabi naman ni Vic Sotto, simula pa lang ng relasyon nila ni Pauleen meron talagang hindi masaya para sa kanila, kaya hinahayaan na lang daw nila ito.

“Eversince naman nagsimula ang aming relationship, hindi naman mawawala ‘yung ilang hindi sang-ayon. Pero mas marami naman ‘yung natutuwa at sang-ayon at iyun ang importante para sa amin. Hindi na lang namin pinapansin,” pahayag ni Bossing Vic sa Thanksgiving party ng pelikula nila ni AiAi delas Alas na My Bebe Love, na ginanap sa Annabel’s Restaurant nung nakaraang Biyernes.

ACIRC ANG BARBIE FORTEZA BIANCA UMALI BOSSING VIC HALF SISTERS JIRO JIRO MANIO MOMMY CHAT NIYA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with