^

Pauleen inaabangan kung ikakampanya ang anak ni Vic!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kailan kaya mag-iikot si Bossing Vic Sotto para tulungan ang kandidatura ng anak niyang si Vico na tatakbong konsehal sa Pasig?

Kung sabagay, suportado ni Senatoriable and Pasig Rep. Roman Romulo, mister ni Shalani Soledad ang kandidatura ng anak nina Vic Sotto and Coney Reyes. Kasama ni Vico na tumatakbo sa Pasig ang kapatid ni Cong. Romulo na si Mons na kandidatang congresswoman sa lone district of Pasig City.

Excited ang mga taga-Pasig dahil sigurado na full force ang gagawing pangangampanya nina Bossing Vic, Coney kasama pa raw ang mag-asawang Oyo Boy at Kristine Hermosa pag nag-umpisa na ang kampanya para kina Mons at siyempre kay Vico.

Teka mangampanya rin kaya ang soon to be Mrs. Sotto na si Pauleen Luna?

Parang masaya ang magaganap na kampanya sa Pasig lalo na nga’t bukod sa pamilya ni Vico, maraming kaibigang celebrities ang magkapatid na Mons at Roman plus Shalani pa na wala mang regular show ngayon ay hindi  naman nalilimutan ng marami lalo na pag nag-iikot silang mag-asawa sa mga probinsiya.

Kaya nagsalita na tungkol sa minurang talent Direk Cathy natakot sa bantang ipatutumba sa riding in tandem!

Hindi itinanggi ni Direk Cathy Garcia Molina na namura niya ang talent sa Forevermore na si  Alvin Campomanes  noong October 2014 bilang sagot sa isang sulat na nag-viral noong huling araw ng 2015 na ipinost ng kasintahan ni Campomanes na si Rosellyn Domingo. At na-realize niya raw na kailangan na niyang sumagot dahil sa matinding galit ng mga nakabasa ng sulat sa social media.

“They were calling me names: bitch, satanas... marami. Lahat ng pangalan. Mal-edukada.

“Hanggang sa pati ang mga anak ko, nadadamay na. Sana daw murahin din daw sila paglaki. Hanggang pati umabot sa ang asawa ko raw kaya pala namatay...

“Parang inisip ko talaga, pag nagmura ka pala, masama ka na agad na tao. Pag nagmura ka, masama ka nang anak.

“Hanggang sa yung huling-huli na nag-alala na ang pamilya ko because it sounded like a death threat already. About the riding-in-tandem, treinta mil lang daw ang katapat ng ulo ko, parang, ‘Tingnan ko kung di ka tablan ng bala.’

“I thought there’s the need to speak out,” bahagi ng mga pahayag niya.

Pero sinabi ni Direk Cathy na hindi naman nakalagay sa nasabing sulat kung bakit niya minura si Campomanes. “Hindi naman kasi nakalagay sa letter na ilang beses siyang nagkamali. Hindi naman kasi nakalagay sa letter kung ilang beses, paulit-ulit kunan ‘yon,” dagdag na sagot pa ni Direk Cathy sa interview ni Tito Boy Abunda na lumabas sa push.com.

Ayon kay Direk Cathy, nagkamali si Campomanes ng dalawang beses pero hindi siya nag-react pero sa ikatlong beses ay nagmura na siya dahil hindi nito nakuha ang instructions na sinasabi niya.

“To be exact, ang sinabi ko, ‘Sino ba ang kausap mo? Ba’t di ka tumingin? Tingnan mo, ang kulit mo naman, e, pakshet ka!’ I admit nagkamali po ako. I admit nagmumura po ako.

“I never lied, I never lied to anyone. Kahit saang presscon, kahit saang interview, tinatanong, ‘Direk, ikaw ba’y nagmumura?’ ‘Opo, I turn into a monster, I morph, with all good intentions, of course.

“Sana mapaganda yung show, mapaarte yung artista, makuha yung kailangan para mapaganda yung show.’ Pero hindi ko ipinagtatanggol na tama ang ginawa kong pagmumura. Mali, mali ang magmura, pero sana ilagay natin sa konteksto,” pagpa­patuloy niya sa interview.

“Hindi ko sinasabing itinatama natin ang pagmumura, pero dito sa atin, may ibang kahulugan ang pagmumura.

“Hindi na siya mura to degrade or to humiliate or to insult anyone. Bukambibig.

“And yet, hindi ko itinatama. Alam kong nagkamali ako. Kayang-kaya ko namang mag-apologize.

“Hindi pala niya alam ang lenggwahe ng industriyang ito. Kung sinabi lang niya, kung nalaman ko lang right away, I would have gone to him at sasabihin ko, ‘Sorry, hindi ka pala sanay.’

“Dumating ka sa akin bilang aktor, i-e-expect ko magde-deliver ka sa akin bilang isang aktor,” katuwiran ni Direk Cathy.

Emosyonal si Direk Cathy sa kanyang pagpapaliwanag at ikinatuwiran niya na  hindi niya intention na makasakit ng damdamin ng ibang tao.

Pakiusap niya na ‘wag naman sanang isama ang anak niya at magulang sa galit sa kanya at matapos na ang lahat.

“If I deserve criticisms, too, then let it just be me. Huwag ang mga anak ko, huwag ang magulang ko, huwag ang mga kapatid ko.

“Nung sinaktan ko siya o nasaktan ko man siya, ni wala akong ibang binanggit, ni wala sa pagkatao niya, dahil wala akong alam sa pagkatao niya.

“Sana after po nito, matapos na ‘yon.

“Sana maiwan ito sa aming dalawa na lang ni Alvin at kay Rosellyn.

“Sana makapag-usap kami, mag-a-apologize ako. If I need to, I will.”

ACIRC ANG CAMPOMANES DIREK DIREK CATHY HANGGANG HINDI NIYA PASIG SANA VICO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with