Ara waiting na balikan ni Patrick!, Kalat na kalat sa social media kung kailan nagkapamilya, ari ni Joross Gamboa nakabalandra habang nakikipag-chat
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2016 - 9:00am

PIK: Natatawa si Ara Mina sa presscon ng seryeng Tasya Fantasya kapag sinasagot niyang siya ang gumaganap na Mommy ng leading man ng fantasy weekly series na ito na si Mark Neumann. Parang ate lang daw kasi ang dating niya sa 21-year-old Kapatid actor, pero okay lang daw at tinanggap niya ang naturang project dahil gusto raw niya ang project at natutuwa raw siya sa karakter na ginagampanan niya.

Kahit mother role na ang ginagampanan niya, sinisikap pa rin ni Ara na maging sexy dahil binibigyan na lang pala niya si Mayor Patrick Meneses ng hanggang May para makipagbalikan. Kung hindi ito mangyari saka raw siya mag-i-entertain ng manliligaw. Baka dun na kasi siya magka-boyfriend ulit.

Aminado naman si Ara na meron pa rin siyang nararamdaman sa ama ng kanyang anak. Kaya kung sakaling papasok siya uli sa isang relasyon, gusto sana niyang sa Mayor ng Bulacan pa rin.

“Hindi naman mawawala ‘yun eh. Kaya nga dito ko na lang sinasabi sa interview, hindi sa kanya na ‘ano ba talaga,” pahayag ni Ara sa presscon ng Tasya Fantasya na magsisimula na sa TV5 sa February 6.

PAK: Ilang araw na palang pinag-usapan sa social media ang sex video ng isang aktor na tila may ka-chat na girl at ipinakikita ang naghuhumindig niyang sandata.

Hindi namin nakita ang video na iyon, ang nakita lang namin ay litrato na inilabas sa isang blog. Iisa ang hula nila, kay Joross Gamboa raw ito.

Nasa Canada pa si Joross kasama ang kanyang asawa’t anak, kaya hindi siya nakapagbigay ng sagot tungkol dito.

Sabi naman ng ilang taong malapit sa aktor, kung si Joross nga raw ito, naniniwala silang kaya naman niyang harapin ang isyung ito. Ang ta­nging concern lang daw nila ay ang pamilya niya na maaring maapektuhan kahit out naman sila sa isyung ito. Obvious na matagal na itong nakunan at baka nga ang asawa naman ng aktor ang ka-chat niya rito.

Sa totoo lang, kayang-kaya naman daw itong lagpasan ni Joross dahil hindi naman na siya young actor at pa-teeny bopper ang image. Sa totoo lang, type na type pa nga ng mga bading dahil talaga namang may ipinagmamalaki rito si Joross at ang lakas daw ng dating ng nunal ha!

BOOM: Natapos na pala ang imbestigasyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) issue na ginawa sa Congress nung nakaraang Miyerkules. Ang isang nangyari dun ay ang pag-resign ni Boots Anson Roa bilang isa sa miyembro ng Executive Committee ng MMFF. Inaasahang susunod na rin ang iba.

Maglalabas ang mga kongresista ng findings nila sa imbestigasyong iyon at ang kasunod dun ay ang pag-file ng complaint sa mga taong involved sa isyu. Hindi lang namin alam kung sino at kailan sila magpa-file ng complaint para maging kaso na ito.

Si Congressman Alfred Vargas naman ay magpa-file ng House Bill ‘An Act Defining and Institutionalizing the MMFF.’           

Kailangan na raw kasing magkaroon ng pagbabago sa susunod na Metro Manila Film Festival dahil sa mga isyu at reklamong kinasasangkutan nito taun-taon.

ACIRC ALFRED VARGAS ANG JOROSS LANG METRO MANILA FILM FESTIVAL NAMAN NBSP NIYA STRONG TASYA FANTASYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with