Kris pilit nakiki-level sa international celebs, Alden at Maine nasa tuktok na
(Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2016 - 9:00am

SEEN: Maganda ang intensyon ni Nora Aunor na ipagpatuloy ang misyon ni German Moreno na tulungan ang mga kabataan na nagnanais na maging artista ngunit mahihirapan siya dahil na­nggagaling sa personal na pera ni Moreno ang mga talent fee na ibinibigay niya sa aspiring stars.

SCENE: Nag-iisa lamang si German Moreno kaya hindi rin mapupunuan ng kanyang pa­ma­ngkin na si John Nite ang posisyon na showbiz na nabakante niya.

SEEN: Ang mga paratang na nahihibang si John Lloyd Cruz sa panawagan nito na magkaroon ng reporma sa industriya ng pelikulang Pilipino dahil hindi niya maiisip ‘yun kung naging nominado sa best picture category ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards ang Honor Thy Father.

SCENE: Hindi nagtagumpay ang mga nakapanood sa video scandal ni Joross Gamboa na mag-post ng mga komento sa Instagram account ng aktor dahil naka-private mode na ito.

SEEN: Hindi nag-iisa si Joross Gamboa. Nasasangkot din sa video scandal controversy si Jeric Gonza­les dahil sa alingasngas na may video scandal din ang Destiny Rose actor.

SCENE: On hold muna ang plano ni Ara Mina na magkaroon ng second child dahil naka-focus sa trabaho ang kanyang atensyon bilang single parent siya.

SEEN: Normal na mabawasan ang interes ng publiko sa AlDub dahil naabot na nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang popularidad. Mas matindi ang challenge na i-maintain ang kasikatan ng mga artista dahil lumilipas ang lahat at may mga dumarating na mga bagong kababaliwan ng mga taga-hanga.

SCENE: Ang pilit na paglilinya ni Kris Aquino sa sarili sa mga international female celebrity na dating image model ng kanyang bagong product endorsement.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ARA MINA DAHIL DESTINY ROSE GERMAN MORENO HONOR THY FATHER JOROSS GAMBOA MGA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with