Nora at John Nite gustong manahin ang ginagawa ni Kuya Germs
(Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2016 - 9:00am

Shy muntik nang mahulog ang ‘pustiso’! Jake hindi napigilan ang iyak sa libing ni Kuya Germs

SEEN: Kasama si Nora Aunor sa mga naghatid kahapon kay German Moreno sa Loyola Memorial Park, Marikina City. Inulit ni Nora ang kagustuhan na ipagpatuloy ang pagtulong ni German Moreno sa mga kabataan na gustong maging artista kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

SCENE: Ang anak, mga apo, at pamangkin ang nagbuhat sa kabaong ni German Moreno nang i­lagak ito sa kanyang himlayan sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

SEEN: Naging totoo si John Nite sa eulogy nito para sa kanyang Tito German Moreno sa necrological service sa GMA 7 noong Miyerkules. Sinabi ni John sa harap ng GMA 7 owners ang pangarap niya na ipagpatuloy ng network management ang Walang Tulugan With The Master Showman dahil sa kanyang paniniwala na inihanda siya ni German para sa trabaho nito na naiwan.

SCENE: Dumalo sa necrological service para kay German Moreno sa GMA 7 si Senator Bongbong Marcos pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita at mabigyan ng parangal ang namatay na television host.

SEEN: Iyak nang iyak si Jake Vargas sa libing kahapon ng kanyang mentor/manager. Pangalawa si German Moreno sa mga mahal ni Jake na binawian ng buhay, una ang kanyang ina at pangalawa ang manager niya.

SCENE: Naghatid din kay German Moreno sa huling hantungan nito sina former First Lady Imelda Marcos, Billy Crawford, Lani Mercado, Gloria Romero, Vina Morales, at Manila City Vice-Mayor Isko Moreno.

SEEN: Si Shy Carlos ang bagong ka-loveteam ni Mark Neumann sa Tasya Fantasya ng TV5. Ma­lakas ang chemistry nina Shy at Mark.

SCENE: Muntik nang mahulog ang fake dentures ni Shy Carlos nang kantahin nito sa presscon kahapon ng Tasya Fantasya ang Diyosa, ang theme song television show ng TV5 na mag-uumpisa sa February 6. Dahil sa kanyang presence of mind, nagawa ni Shy na gawing katatawanan ang awkward situation.

ACIRC ANG BILLY CRAWFORD GERMAN GERMAN MORENO LOYOLA MEMORIAL PARK MARIKINA CITY MORENO SHY CARLOS STRONG TASYA FANTASYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with