^

PSN Showbiz

Solenn itinangging ikinasal na siya sa Argentina! Asawang executive ng isang aktres, nasulot ng magandang actress/TV host

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Successful ang nakaraang anniversa­ry concert ni Gloc-9 sa Music Museum. Bilang pasa­sala­mat ng kilalang rapper, ibinigay niya ng libre ang bagong single niyang Pareho Tayo.

Puwedeng i-download itong bagong single ni Gloc-9 na Pareho Tayo na walang bayad.

Sa first week ng taong ito ay ni-release na ang kanta at nagulat sila sa mainit na pagtanggap sa naturang kanta. Sa loob ng isa’t-kalahating araw, umabot ng ng halos 8 thousand hits at 600 downloads.

Maaring pakinggan at ma-download itong kanyang Pareho Tayo sa https://soundcloud.com/glocdash9/parehotayo.

PAK: Nagsimula nang pag-usapan at ku­ma­lat ang pakikipaghiwalay ng aktres sa kanyang asawang executive.

Umuwi na raw ang aktres kasama ang kanilang baby sa tahahan ng magulang niya na kilala ring celebrity couple. Pero tahimik lang muna sila sa ngayon.

Sinubukan naming kumuha ng kuwento sa ilang taong malapit sa kanila, pero ayaw nila kaming sagutin. Ayaw daw nilang pakialaman ang isyung iyon, kaya nakakadudang totoo nga ito.

Ang nakakagulat lang, ang dahilan daw ng hiwalayan ay ang lihim na relasyon ng isang mestisa at magandang actress/TV host sa asawa ng aktres.

Tsismis pa lamang iyon. Pero nang napag-usapan na, isang staff ng programang kinabibilangan ng mestisang actress/TV host ang nagkuwentong minsan daw sa taping ng kanilang programa, nasilip niya sa isang sulok ng dressing room ng studio na seryosong nag-uusap itong aktres at executive na dyowa ni aktres. Parang namalisyahan daw itong staff nang makita niyang nag-uusap ang dalawa. May something daw ba kaya itong dalawa? Kaya may dahilan na makipaghiwalay ang aktres na asawa ni executive.

BOOM: Itinatanggi ni Solenn Heussaff ang kuwentong nagpakasal na sila ng Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico.

Kumalat ang kuwentong ito nung bago mag-Bagong Taon kung saan dinaluhan pa raw ito ng close friends ni Solenn.

Kinorek ito ni Solenn nang makausap namin sa presscon ng Lakbay2Love nila ni Dennis Trillo.

Sabi ng Kapuso actress, parang celebration daw iyon ng relasyon nila ni Nico at hindi raw iyon kasal.

Nilinaw niyang hindi pa raw niya gamit ang panga­lan ni Nico, kundi Heussaff pa rin daw dahil technically, single pa rin daw siya at hindi raw siya Mrs. Bolzico.

Kung mapagdesisyunan na raw nilang magpa­kasal, gagawin daw nila ito sa France at mapaghandaan naman daw nila ito.

“Ikakasal ako sa France in the future. Hindi right now.

“Technically, single ako. I’m not using his name. Heussaff pa rin ako. When the big day happens, I’ll promise GMA will know everything at ibigay ko lahat na details,” pahayag ni Solenn na abala na ngayon sa promo ng pelikulang Lakbay2Love na magsu-showing na sa February 3.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

DAW

DENNIS TRILLO

GLOC

HEUSSAFF

ITO

MRS. BOLZICO

PAREHO TAYO

SOLENN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with