Ayaw na talagang umalis ng bansa Daniel nagpapagawa na ng bahay para kay Erich
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2016 - 9:00am

Sa Lunes ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Halos araw-araw magkasama ang magkasintahan ngayon dahil sa kanilang trabaho kaya mas nakikilala nila ang isa’t isa. “Mas nakikita na namin ang isa’t isa, mas napapatunayan ko na si Daniel po, he is worth everything. I mean he is the best thing that happened to me and I have no regrets. Masaya, thank you Lord, for sharing me his life everyday,” nakangiting pahayag ni Erich.

“Sobrang na-in love ako sa kanya dahil sa lahat malambing. She’s close to my family, mabait and everything,” sagot naman ni Daniel.

Kababalik pa lamang sa bansa ng dalawa mula sa kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia.

Samantala, nagpapagawa na raw ngayon ang model-actor ng isang malaking bahay para sa kanyang pamilya at magiging pamilya. “I’m working on it. I’m really working for my future in the Philippines. I’ve said to everyone na this is where I’ll stay with my family kaya I’m working double time sa lahat,” pagbabahagi ni Daniel.

Angel aminadong mabait pero may topak

Si Freddie Garcia lamang ang naiwang orihinal na hurado para sa Pilipinas Got Talent season 5. Matatandaang nakasama noon ni FMG sa mga nagdaang season sina Kris Aquino at AiAi delas Alas. Ngayon ay sina Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda na ang mga bagong huradong makakasama ni FMG sa nasabing reality show.

Masayang-masaya si Angel na naging hurado siya sa programa na nag-taping na noong Martes ng kanilang audition. Naging parehas daw ang mga desisyon ng aktres para sa lahat ng contestants. “Mabait na may topak, kasi way back nagkaroon din ako ng opportunity na magpakita ng talent, tapos may nagbigay sa akin ng chance. So ngayon gusto ko sanang suklian kung ano ‘yung binigay sa akin na chance ng tao. So gusto kong mag-yes sa lahat pero hindi naman pwede kasi kailangan nating maging honest din sa mga ibang contestants,” pahayag ni Angel.

Bukod sa PGT ay abala na rin ang aktres para sa promo ng pelikulang Everything About Her kung saan kasama niya sina Vilma Santos at Xian Lim.

Samantala, marami pa ring mga tagahanga ang umaasang si Angel ang gaganap bilang Darna na ipinalabas ang teaser sa mga sinehan noong Metro Manila Film Festival. “Hindi ko po alam, ewan ko po. Hindi naman sa hoping, baka iba naman ‘yung dating but alam n’yo naman kasi kung gaano kaimportante sa akin ‘yung project, kung gaano ko kamahal, kung gaano ko siya tini-treasure. Kaya siguro kung ano ‘yung makakapagpasaya sa akin, ‘yun din ang gusto nila,” paliwanag ng aktres.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN BE MY LADY DANIEL MATSUNAGA ERICH GONZALES EVERYTHING ABOUT HER FREDDIE GARCIA KRIS AQUINO METRO MANILA FILM FESTIVAL NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with