^

PSN Showbiz

Niyari ni Wally? Alden niraraket daw pati pagho-host sa debut!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy, ngayong araw daw ay babalik na sa Eat Bulaga si Alden Richards. Ayon sa isang source, nag-meeting na raw ang head ng GMA Artist Center na si Ms. Gigi Lara at Mr. Tony Tuviera kahapon para pag-usapan ang pagkawala ni Alden sa show matapos ang ilang araw na raket sa Dubai at Qatar.

Nag-panic kasi kahapon ang fans ni Alden nang okrayin, though slight lang naman, ni Wally Bayola ang actor sa kanilang skit.

Ang basa ng ibang nanonood, pinaglaruan daw si Alden ni Wally at pinaringgan pa raw na ultimong hosting sa debut ay pinapatulan nito.

At sa ending, nagsalita naman daw si Jose Manalo na ano’ng event na naman daw kaya ang inaasikaso ni Alden at wala ito.

Asking ang ilang concerned citizen kay Alden dahil ang feeling nila, nagtatrabaho lang naman ang actor at karapatan nilang samantalahin ang kasikatan tulad sa gasgas na “strike while the iron is hot.”

Pero may nagsabi namang nasa shoot ng commercial si Alden kaya wala ito sa Eat Bulaga noong Lunes, pero bakit naman daw hanggang kahapon ay wala ito?

May mga naniniwala na may something talaga sa pagkawala ni Alden dahil kung wala raw, bakit may parinig? Eh problemado pa naman daw si Alden ngayon dahil sa lolong isinugod sa hospital.

Kaya wait tayo ngayon kung pasisiputin na siya sa show para makita ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza. O baka naman, instead na si Alden and lumabas eh si Jake Ejercito ang lumutang? Eh halata pa namang may kilig si Yaya Dub sa anak ni Erap. Ay hala?

Grace may bilin kay Kuya Germs

Maghahating-gabi na nang dumalaw si Senator Grace Poe Poe sa burol ni Kuya Germs sa Mt. Carmel Church sa Quezon City kamakailan.

Sa isang panayam, inalala ni Grace ang mga magagandang alaala kasama ang Master Showman at ang kanyang mga magulang na sina “Da King” Fernando Poe, Jr. at respected actress Susan Roces.

Close si Kuya Germs sa pamilya ni FPJ at Ms. Susan dahil ang Reyna ng Pelikulang Pilipino ang nakasama niya sa mga naunang pelikula niya.

Nauna nang dumalaw si Tita Swanie sa burol ni Kuya Germs noong Biyernes ng gabi.

Simple lang ang naging bilin ni Grace kay Kuya Germs.

“Ipinagdarasal ko siya. Maraming salamat sa mga naging ehemplo mo at inspirasyon mo sa mga kabataan. At kung magkikita kayo ni Papa, pakiyakap na lang din siya para sa akin,” sabi ni Sen. Grace.

Speaking of Kuya Germs, balik-GMA 7 ngayong araw ang Master Showman. Sa Studio 7 siya dadalhin para makapiling ang kanyang pamilya, friends, former colleagues in the media at ang buong Kapuso community to pay their last respects to the late Master Showman.

Pagkatapos ng mass at Mt. Carmel Church, his remains will pass by Broadway Centrum, Sampaguita Mansion and Sampaguita Studio, then to Kuya Germs’ house in Valencia, Quezon City and then at GMA 7.

Public viewing is from 2:00 p.m. to 5 p.m. and from 10 p.m. onwards.

There will be a mass at 6 p.m. and a necrological service at 7:00 p.m for his .

His interment will be on Thursday, January 14 at Loyola Memorial Park in Marikina City.

Jurors ng MMFF mga faney na faney

Ayun, pumiyok ang isang hurado ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na member ng AlDub Nation ang ilang umupong hurado kaya nanalong best supporting actress si Yaya Dub.

Ang sey ng source ko, tinanong niya ang isang judge at ang paliwanag nga ay para sa baguhan pasado na raw si Maine. Kaya blinded na raw ang iba at hindi na napansin ang acting nina Nova Villa sa All You Need is Pag-ibig at Lotlot de Leon sa Buy Now, Die Later.

Pero walang idea ang source ko kung sinu-sino talaga ang mga hurado this year dahil lihim na lihim daw talaga lalo na nga’t bago ang nakaupong chairman. ‘Yun lang daw tinanong niya ang kilala niyang (source) hurado.

Noon kasing panahon ni Chairman Francis Tolentino, may mga member ng juror na janitor, driver, madre. Pero now daw, hindi alam ni Tita D (source) kung na-retain ang mga nasabing hurado.

Basta ang hinihintay ng marami ay ang magiging resulta ng imbestigasyon sa Kongreso sa MMFF dahil marami na ngang nauungkat.

Dating obra ni Direk Lav ipalalabas uli!

In honor of Lav Diaz’s new film, Hele sa Hiwaga ng Hapis, na napili for Main Competition sa Berlin International Film Festival 2016 na kabilang sa mga bida sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual, muling mapapanood ang kanyang previous masterpiece, Mula sa Kung Ano ang Noon sa Cinematheque Centre Manila every day from January 22 to 31.

Ang Mula sa Kung Ano Ang Noon (From What Is Before) won the prestigious Golden Leopard for Best Film award at the Locarno Film Festival 2014, as well as, the Grand Festival Prize and Best Ensemble at the World Premieres Film Festival Philippines 2014. The film then went on to win Best Film, Best Direction, Best Screenplay and Best Editing at the Gawad Urian Awards 2015.

The admission fee for each screening is P200. Cinematheque membership card holders will receive a 50% discount.

The Cinematheque Centre Manila is located at 855 T. M. Kalaw Street, Ermita, Manila. For further news and full screening schedules, please visit the website at fdcp.ph.

Starring sa pelikula sina Perry Dizon, Roeder Camañag, Hazel Orencio, Karenina Haniel, Reynan Abcede, Joel Saracho, Mailes Kanapi, Ian Lomongo, Noel Sto. Domingo, Evelyn Vargas, Teng Mangansakan, Ching Valdes-Aran, Bambi Beltran, Dea Chua, Kristian Chua, Kim Perez, Kints Kintana.

Apat na oras ang running time ng Mula…

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

BEST FILM

CINEMATHEQUE CENTRE MANILA

DAW

EAT BULAGA

FILM

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with