Enrique hindi na napigilan ang sarili kay Liza
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2016 - 9:00am

Noong Linggo ng gabi ay isang surprise party ang ibinigay ng Star Studio Magazine para sa kanilang March issue ang 18th birthday ni Liza Soberano. Ginanap ito sa isang hotel sa Pasig City at dinaluhan ng mga kapamilya at kaibigan ng aktres.

Sina Joj at Jai Agpangan ang nag-host ng nasabing event na nagbigay din ng kanilang mensahe para kay Liza na Hope Elizabeth ang totoong pangalan. “Happy birthday Hopie. We love you so much. We’re so proud of you baby girl. Yes, yes, stay humble and nandito lang kami always for you. You deserve all the blessings talaga,” sabi ng kambal.

Hindi siyempre mawawala sa okasyon ang sinasabing espes­yal sa puso ni Liza na si Enrique Gil. “Hi Hopie. I just wanna wish you a happy, happy birthday. You know, I’m always here for you no matter what. You’re my number 1. I love you so much. I hope you’re always happy. You deserve to be happy. You deserve all the blessings in the world. Stay sexy, I love you,” nakangiting sambit ni Enrique.

Pastillas Girl pangarap si Coco

Kamakailan ay binaril kaya namatay ang ina ni Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na Pastillas Girl. Nasa NBI na ang kasong isinampa ng kapulisan upang madakip ang suspek sa pagpaslang sa ina ng dalaga ngayon. “May mga suspect po pero hindi po kasi ako nagsampa ng kaso. Police po ang nagsampa kasi po wala pong matibay na ebidensya,” bungad ni Angelica.

Noong lumalabas pa si Pastillas Girl sa It’s Showtime ay nakararanas nang pamba-bash sa social media. Pagkatapos lumabas sa telebisyon ni Pastillas Girl ay namatay naman ang ina kaya matindi raw talaga ang mga pinagdaanan ng dalaga. “Bashing, tapos namatay si Mommy. Minsan, may mga iniisip ako na, ‘Paano kaya kung hindi ito nangyari, buhay pa kaya siya?’ Or ano kayang ginagawa ko ngayon kung wala? Pero sobrang bilis, as in parang naging blessing ‘yung career. Ang hirap-hirap po talagang pumasok sa showbiz. Kahit ako po noon, parang, ‘Sus! Imposible naman ‘to.” pagbabahagi ni Pastillas Girl.

Samantala, nakapirma na ng kontrata ang dalaga sa Viva Artist Agency kaya tuloy-tuloy na ang pag-aartista nito. Ngayon ay pinaghahandaan na ni Pastillas Girl ang pagsabak sa pag-arte sa telebisyon o pelikula kaya magkakaroon ng ilang workshops.

Si Coco Martin daw ang pinapa­ngarap na makatambal ng dalaga. “Gusto ko siyempre si Coco. Crush ko siya at kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto ko talaga siyang makatrabaho,” pagtatapat ni Pastillas Girl.

ACIRC ANG ANGELICA JANE YAP ENRIQUE GIL GIRL HI HOPIE HOPE ELIZABETH JAI AGPANGAN LIZA SOBERANO NOONG LINGGO PASTILLAS GIRL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with