MMFF may kinatatakutan?!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

Talagang pagtatakhan mo kung ano ba ang kinatatakutan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at hindi nito maideklara kung ano’ng pelikula ang may pinakamalaking kita nung Kapaskuhan. Hanggang sa Top 4 lamang ang kaya nilang ideklara. Pero ikatutuwa ng malaki ng gumawa ng #WalangForever na kasama na ito sa apat  samantalang consistent sa kanyang third position ang Haunted Mansion.

Baka hanggang sa makalimutan na ang lahat ang MMFF at mag-move on na ay hindi pa rin nari-release ang resulta sa box office. At magkalimutan na rin sa maraming isyu na bumagabag sa maraming tagasubaybay ng Christmas film festival. Tsk. Tsk. Tsk.

Vic ayaw makigulo sa issue sa MMFF, AiAi pinambala

Hindi rin maganda ang naging resulta ng pagtatago sa tunay na resulta sa takilya kung sino talaga sa My Bebe Love at Beauty and the Bestie ang nag-No.1. Kaya hayun, nag-aaway na sina AiAi delas Alas at Vice Ganda.

Ewan ko ba naman kung bakit ang komedyana ang umaalma at hindi ang mga prodyuser ng pelikula na si Vic Sotto na mukha namang kuntento na sa rami ng pera na ipinasok ng pelikula nila sa takilya.

O baka dahil lang ito sa paghahanda ng kanyang kasal?

Andi parang matatalbugan pa ni Maine kay Jake?!

Ang galing naman ni Jake Ejercito. Ang galing pumili ng proyekto para maitulak ng malayo ang presence niya sa showbiz. Ayaw man mag-artista at nagbabakasyon lang from school, kasali na rin yata siya ngayon sa Kalyeserye at mukhang makakatrayanggulo pa ng AlDub.

Mukhang mahihigitan pa ang pagkakaro’n niya ng damdamin kay Maine Mendoza ang naunang kontrobersyal na relasyon nito kay Andi Eigenmann.

Angel at Robin sinalo sina AiAi at Kris

Mukha namang magiging masaya si G. Freddie Garcia, sa dalawang bagong makakasama niya bilang hurado sa bagong season ng Pilipinas Got Talent na sina Angel Locsin at Robin Padilla. Pinalitan ng dalawa sina AiAi delas Alas at Kris Aquino.

Si AiAi ay malinaw kung bakit hindi na makakasali sa show, pero, si Kris bakit kaya hindi na pumwede?

ABS-CBN at GMA pabonggahan ng tribute kay Kuya Germs

Ang ganda ng ibinigay na tribute ng ASAP para kay Kuya Germs nung Linggo. Nakakaiyak dahil tinampukan ito ng mga dating taga-That’s Entertainment (Jojo Alejar, Sunshine Cruz, Piolo Pascual), GMA Supershow (ZsaZsa Padilla, Richard Reynoso), at nina Martin Nievera, Jessa Zaragoza at marami pang iba.

Maganda rin ang live tribute sa kanya ng kanyang programang Walang Tulugan with the Master Showman. Nag-host sina John Nite, Jackielou Blanco, Shirley Fuentes, Mariz, at Mico Aytona.

Nag-provide ng musical numbers sina Jake Vargas, Michael Pangilinan at Pilita Corrales.

Sa Huwebes na, January 14 ang libing ni Kuya Germs sa Loyola Marikina. Bago ito, sa Miyerkules, January 13, buong araw at gabi, ilalagak ang kanyang mga labi sa GMA Network.

ANDI EIGENMANN ANG ANGEL LOCSIN BEAUTY AND THE BESTIE FREDDIE GARCIA HAUNTED MANSION JACKIELOU BLANCO JAKE EJERCITO JAKE VARGAS KUYA GERMS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with