Sa pagkamatay ni Kuya Germs, Sheryl nakikiepal na naman!
(Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

SEEN: Ngayon ang congressional hearing tungkol sa resolution na inihain ni Laguna First District House Representative Dan Fernandez para imbestigahan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee dahil sa disqualification ng Honor Thy Father sa best picture category ng MMFF 2015 awards.

SCENE: Annoying ang paulit-ulit na pagsa­sabi ni Tina Paner sa lahat ng mga interbyu na hindi niya malilimutan ang pagpila para makuha niya ang ipinamumudmod na P500 ni German Moreno noong miyembro pa siya ng That’s Entertainment. Biktima ng time warp si Tina.

SEEN: Mali ang impormasyon ni Jean Garcia na ang New Year Countdown to 2016 ng GMA 7 ang last television appearance ni German Moreno dahil napanood pa ito sa birthday celebration ni Alden Richards sa Sunday PinaSaya noong January 3.

SCENE: Ipinaalaala ni Sheryl Cruz sa tele­viewers na hindi niya nakalimutan na pasalamatan si German Moreno nang manalo siya bilang Female Pop Artist of the Year sa 2015 Star Awards for Music. #EpalPaMore

SEEN: Pinaghandaan ng fully made up na si Dulce ang song number nila ng kanyang anak sa tribute kay German Moreno sa Walang Tulugan noong Sabado.

SCENE: Pinagsabay kahapon sa ASAP ang promo guesting ni Cristine Reyes para sa Lumayo Ka Nga Sa Akin at ang bridal shower para sa kanya. Ang Viva Films ang producer ng comeback movie ni Cristine.

SEEN: Parehong nagbigay ng tribute kahapon kay German Moreno ang rival programs na ASAP at ang Sunday PinaSaya.

SCENE: Malakas ang impact ng guesting ni Jake Ejercito sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong Sabado. Nadagdagan ang followers ni Jake dahil sa special participation niya sa kalye­serye bilang kaklase ni Yaya Dub.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANG VIVA FILMS CRISTINE REYES EAT BULAGA EXECUTIVE COMMITTEE FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR GERMAN MORENO HONOR THY FATHER STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with