^

Misis ni Ian pigil na pigil ang selos kay Jodi!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ian Veneracion na maraming tagahanga ang kinikilig sa tambalan nila ni Jodi Sta. Maria sa teleser­yeng Pangako Sa ‘Yo. Nagpapasalamat si Ian dahil naging matagumpay ang nasabing soap opera na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Natatawa ako kasi nga siyempre parang sus naman kung kailan ako nag-40 (years old). Nakakatuwa, I’m just enjoying the ride. Kasi sometimes you have projects that people notice, there are projects that no one knows about. I think I’ve been in show business long enough to realize that I shouldn’t take anything personally. Kapag may show na successful, you just enjoy the ride. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng susunod na shows ko successful,” nakangiting pahayag ni Ian.

Tatlo na ang naging anak ng aktor sa asawang hindi naman artista. May bulung-bulungan na pinagseselosan na raw ng asawa ni Ian si Jodi dahil sa mga eksena na kanilang ginagawa. “No, naiinis nga ako, minsan gusto ko pagselosin,” natatawang pahayag ni Ian.

“She’s a very confident person and she knows how professional I am when it comes to work. Kaya ever since hindi ako nali-link sa leading ladies sa showbiz. And even with kissing scenes, the last thing I don’t want is sabihin na nag-take advantage or ‘yung ganyan. So gusto ko talaga malinis. Importante sa akin ‘yung reputation ko as an actor sa gano’ng bagay. Alam ng wife ko ‘yun and kilala rin niya si Jodi. Alam niya how professional she is so walang gano’n. My wife’s name is Pam. She graduated sa Engineering and she manages her own construction (business). So hindi nagseselos ‘yun,” paliwanag ng aktor.

Pinauubaya sa Diyos kung kailan magkaka-bf Antoinette tigang pa rin!

Walang kasintahan ngayon si Antoinette Taus dahil na rin sa kanyang mga naging karanasan sa buhay. “I think natural naman lang po talagang matatakot ka, lalo na ‘pag may pinagdaanan ka. I think I came to terms with that sa Diyos din years ago pa, na parang Dear Lord, kayo na po ang bahala. Kasi usually naman talaga in anything in life, Siya naman talaga ang nakakaalam pero as human beings, weak din tayo, nalulungkot tayo, we get stressed out,” makahulugang pahayag ni Antoinette.

Matatandaang naging kasintahan ng aktres si Dindong Dantes mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Antoinette ang aktor. “Ito lang naman kasi ‘yan. The only reason I’m saying this is because it’s the only long relationship that I’ve ever had. And it was the first one, ‘yun lang. Unforgettable lang siya kasi siyempre una. Dati si Dong, pero wala na, wala na ‘yun. Masaya na sila (ng asawang si Marian Rivera),” nakangiting pagbabahagi ni Antoinette.

ACIRC ALAM ANG ANTOINETTE TAUS DANIEL PADILLA DEAR LORD DINDONG DANTES DIYOS IAN IAN VENERACION JODI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with