_ngayon
^

Indie producers nabawasan na, Viva Films tuloy ang pag-boom sa pagpo-produce ng pelikula!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Showing na sa Miyerkules ang pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin, na isang trilogy movie na parody/satire ng mga nakakatawa at paulit-ulit na mga eksena sa pelikula at television. Kaya naman asahan ang katatawanan sa mga eksena na pina­ngungunahan nina Maricel Soriano and Herbert Bautista, Shake, Shaker, Shakest.

Ito ang first Tagalog movie pagkatapos ng ma-isyung 2015 Metro Manila Film Festival (MMFFF).

Tatlo rin ang director ng Lumayo Ka Nga Sa Akin kaya tiyak sulit.

Matagal ding namahinga si Mayor Herbert sa pelikula kaya sa mga nadismaya na hindi siya napanood noong MMFF, bawi na lang kayo rito.

Bibida rin sa isang episode si Cristine Reyes with Antoinette Taus, Asawa ni Marie, na may sampalan scene na usual scene sa mga teleserye natin. Totohanan daw ang atake ng dalawa. Makikita rin kung ano ang nabago kay Cristine pagkatapos niyang manganak. Makakasama pa nila si Paolo Ballesteros kaya parang kakaiba.

Ang isang episode naman ay sina Benjie Paras and Candy Pangilinan, Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat.

Sana nga kumita ang LKNSA dahil marami pang naka-line up na pelikula ang Viva Films for 2016.

Sila na lang ng Regal Films ang natitira at siyempre ang Star Ci­nema na nagpo-produce ng pelikula sa buong taon.

Kahit nga indie producers, nabawasan na rin dahil siguro hindi sila kumikita.

Pero ang Viva and Regal, matibay dahil nakakatsamba naman sila sa mga pelikula.

Galit ni Kris kay James semplang

Balik-Pilipinas na pala si Kris Aquino at dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Inaasahang magpapakawala na ito ng statement sa hindi pagkakasama sa Top 4 ng kanyang pelikula na All You Need is Pag-ibig.

Si James Yap kaya ang sisihin ni Kris? During the promo kasi ng pelikula, imbes na ang pag-usapan ay ang natapos nilang movie kahit magpa-Pasko, si James ang niyari niya. Ang mga galit niya sa hindi pagiging mabuting ama ng dating asawa ang pinag-usapan. Nagkaroon tuloy ng nega factor eh ang subject ng pelikula ay pag-ibig.

Baka this time naman maging positive na ang mga sasabihin ng presidential sister matapos makapagbakasyon at magpaka-normal ng mataga­­l-tagal sa Hawaii.

Pero nabanggit ni Kris na napa-tumbling at nauntog si Bimby sa isang department store doon at nabukulan. Pero sa awa ng Diyos wala naman daw naging internal injury sabi ni Kris sa kanyang Instagram kamakailan.                                                                                   

ACIRC ALL YOU NEED ANG ANTOINETTE TAUS BENJIE PARAS AND CANDY PANGILINAN CRISTINE REYES LUMAYO KA NGA SA AKIN MGA NBSP PELIKULA PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with