Sikat na magka-loveteam nagkaka-inlaban na
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2016 - 9:00am

Pumutok na ang balita. Pinagpipistahan na. Hinuhusgahan na ngayon ang mga artistang sangkot sa kuwento. Hindi lang sa dance floor may regodon.

Sa pakikipagrelasyon ng mga kilalang personalidad ay meron ding regodon de amor. Papalit-palit, palipat-lipat, ang karelasyon nu’n ni kuwan ay karelasyon na ngayon ni ano.

Hindi na nakagugulat ang pinagpipistahang balita ngayon tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawang pamosong personalidad. Isang magaling at sikat na aktor at isang maganda at magaling umarteng aktres.

Matagal na silang nagkakapareha sa pelikula at mata­gumpay ang bawat proyektong pinagsasamahan nila. Pero ang tanong ng marami, bakit hindi sila nagkakainlaban, sa tagal na ng kanilang pagtatambal ay bakit parang wala silang pakialam sa isa’t isa?

Nu’n ‘yun. Ngayon ay kalat na ang balitang may lihim na silang ugnayan. Ang masakit lang ay may dalawang personalidad ding nagluluksa ngayon sa ipinanganak na bagong relasyon.

Ang ex ng magaling at sikat na aktor at ang ex ng maganda at mahusay umarteng aktres. Dagdag na detalye rin ang napakasariwa pa lang nilang pakikipag-break sa kanilang mga partners.

Kuwento ng aming source, “Saka parang may plot ang pakikipagrelasyon ng guy. Parang kaplakado ‘yun sa pakikipag-break niya sa isang young actress.

“Nag-break sila, pero ‘yung girl na nakasama niya sa ibang bansa, ‘yun ang ipinalit niya. Parang ganu’n na naman ngayon. Nasa ibang bansa na naman sila ng bagong girl niya,” mang­hang-manghang kuwento ng aming impormante.

Pahabol pa ng aming source, “Baka this time, dahil magkakilala na sila nang husto ng girl, e, magkaroon na ng space sa vocabulary niya ang pagpapakasal!”

Ubos!

Pauleen hindi nakuha ang hinahangad na kapribaduhan

Maiintindihan natin kung saan nanggagaling si Pauleen Luna sa sarkastiko niyang “pasasalamat” sa ABS-CBN tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Bossing Vic Sotto.

Paminsan-minsan lang nangangarap ng kapribaduhan ang mga artista. Halos lahat ng bahagi ng kanilang buhay ay alam na ng publiko, wala na halos silang itinatago, pero may parte ng kanilang personal na buhay na gusto naman sana nilang manatiling pribado.

Hindi dahil sa nagdadamot sila, bilang mga pampublikong pigura ay alam naman nilang may makakaamoy at makakaamoy rin ng pribadong okasyon sa kanilang buhay, pero iba ‘yun kesa sa salitang respeto.

Ikinasama ng loob ng ikakasal ang pagdedetalye ng Dos sa nalalapit nilang kasal ni Bossing Vic. Ang petsa, ang lugar, ang mga kasama sa mga magmamartsa papunta sa altar.

Huwag naman sanang sabihin ng mga taga-Dos na okey lang ‘yun, matagal nang nakikiusap si Pauleen na kung maaari ay gusto nilang ma­ging pribado ang kasal nila ni Bossing Vic, hindi naman siguro sila natutulog habampanahon para hindi nila ‘yun malaman.

Galing pa naman sa kanilang bakuran ang ikakasal, matagal ding panahon nilang nakasama si Pauleen, sa isang simpleng pakiusap ba ay hindi pa nila mapagbibigyan ang ikakasal?

Kahit saang larangan ay napakahalaga ng respeto. ‘Yun ang nagbibigkis sa atin, magkakakampi man tayo o magkakalaban ng network na pinaglilingkuran, kailangang respetuhin natin ang pakiusap-karapatan ng ating kapwa.

ACIRC ANG BOSSING VIC BOSSING VIC SOTTO HINDI MGA NAMAN NILANG PAULEEN PAULEEN LUNA YUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with