Haunted Mansion naka-P90 M!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Almost P90 million din ang kinita ng number 3 movie sa nagtapos na 2015 Metro Manila Film Festival na officially nag-end last Friday, ang Haunted Mansion ng Regal Films.

Pero happy na si Mother Lily Monteverde sa kinahinatnan ng pelikula nila. Nagpapasalamat sila ng anak niyang si Roselle na nasa no. 3 sila simula sa umpisa ng filmfest last Christmas. May ilan pang sinehan na pinaglalabasan ng Haunted Mansion kaya may tsansa pa itong madagdagan kahit konti.

Anyway, more than P1 billion na ang kinita ng MMFF. Mas mataas umano ito ng 15% kesa sa kinita noong 2014.

Ayon sa naka-post sa official Facebook account ng MMFF,  ang 14-Day gross (December 25, 2015 - January 7, 2016) ay P 1.020 Billion. At ang top 4 films ay in no particular order pa rin - My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion and ?#?WalangForever.
Hindi na talaga nakahabol ang All You Need is Pag-ibig na pinangunahan ni Kris Aquino.

Robin at Angel maghahanap na rin ng mga talented

Magiging judge pala sa Pilipinas Got Ta­lent sina Robin Padilla and Angel Locsin with the original judge na si Mr. Freddie Garcia. Yup, babalik na sa ere ang nasabing talent search ng ABS-CBN. Sina Kris Aquino at AiAi delas Alas ang original na judge sa PGT bago na­ging sour ang relasyon ng dalawa hanggang lumipat nga sa GMA si AiAi.

AiAi at Star Cinema nagkainitan sa isyu ng No. 1?!

Speaking of AiAi, sinagot nito ang mga nag­labasang balita na nanguna ang Beauty and the Bestie sa walong pelikula na sumali sa MMFF kung saan kumita umano ng P438.9 million at palabas pa sa mga sinehan.

Ayon sa naging pahayag ni AiAi na lumabas sa GMA.com : “Kahit ‘yung No. 3, pwede din sabihin na No. 1 din sila eh.

“In our hearts, sa puso ng Aldub Nation, sa puso ng sambayanang Pilipino, No. 1 kami, kasi lahat ng ginagawa namin walang daya.

“Ayaw ni Lord ang nangdadaya. Karma is a bitch,” sabi niya sa interview na lumabas.

Pero sumagot ang isang Star Cinema executive na si Roxy Liquigan sa mga naging pahayag ng comedy queen sa kanyang Twitter account.

“Ai, bakit di mo sabihin ang totoong kinita ng movie mo?

“Bakit ‘di mo sinabi sa presscon mo ang kinita ng movie mo? Bakit puro emote na dinaya, ano ang proof mo? “Karma” ang naghihintay? Kanino?

“Matagal na tayong magkasama sa star cinema, lagi mong sinasabi “iba talaga sa star cinema, love ko ang star cinema” etc. Ngayon iba na?

“The best talaga ang star cinema” sabi mo noon sa lahat ng interviews mo. Ngayon, dinadaya ka? Saan ka dinaya? Sana sa totoo na lang tayo.

“Ang dali dali kse magsalita,sa presscon, para saan, para mag ingay? Pinaghirapan namin ang mga entries sa MMFF. Tapos mag iingay na dinaya?

“Magkaibigan kami ni AiAi pero Foul ang ginawa niya. Di niya naisip na marami siyang taong masasak­tan sa mga sinabi niya na hindi naman totoo,” sunud-sunod na tweet ng Star Cinema executive.

Naku dapat talagang maglabas na ng official statement ang MMFF para matapos na ang argumento sa pagiging No. 1.

Bakit kasi parang takot ang MMFF na maglabas ng exact figures ng no. 1. What gives? Hellur MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos?

ACIRC ALDUB NATION ALL YOU NEED ANG AYON BAKIT BEAUTY AND THE BESTIE CHAIRMAN ATTY CINEMA HAUNTED MANSION STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with